Sharon, payag kahit di mabayaran agad sa pelikulang pagsasamahan nila kung sakali ni Vilma
January 30, 2007 | 12:00am
Sa presscon ng kanyang pre-Valentine concert na My Mega Valentine 2 sa Araneta Colisuem sa February 2, nabanggit ni Sharon Cuneta na tatlong pelikula ang gagawin niya this year. Mauuna rito ang sa Star Cinema na pagsasamahan nila nina Makisig Morales at Jhong Hilario, sa direksyon ni Chito Roño at sa London ang shooting.
May gagawin din siya sa Unitel na co-produced ng Star Cinema na sa abroad din ang shooting and to be directed by Jun Reyes. Panghuli ang project ng GMA Films na ang script ay winner sa Palanca. Hindi pinangalanan ni Sharon ang director at ready to shoot na ito.
Gusto pa rin nitong matuloy ang movie nila ni Aga Muhlach na naudlot at gusto niyang makasama sina Maricel Soriano, Lorna Tolentino, Amy Austria, Gina Alajar and Hilda Koronel. Bago mag-retire, gusto niyang magawa ang dream movie with her idol Vilma Santos. Katuwa ang request nito kay Malou Santos na kahit si Vilma muna ang bayaran at ihuli na siya.
Wish din nitong muling makagawa ng movie with Robin Padilla and Richard Gomez at makasama sina Piolo Pascual at Jericho Rosales. Sa rami nang gusto pang gawing project ni Sharon, matagal pa bago siya mag-retire.
Samantala, ipinagmalaki ni Sharon ang anak na si Frankie Pangilinan dahil take one sa recording sa theme song ng TV commercial nila for McDonalds. Ang dami raw nitong offer after mag-air ang TVC at nakiusap na kakanta sa kanyang concert.
Kasama pala sa repertoire ng concert ni Sharon ang songs sa kanyang "Isnt It Romantic" album under Sony BMG gaya ng "How Deep Is Your Love" at "To Love Again." Mag-ipon na para sa volume 2 ng album.
Napanood sa SOP last Sunday si Karel Marquez at ibig sabihin, wala siyang exclusive contract sa ABS-CBN. Two production numbers pa ang ginawa nito kasama si Isabella na anak ni Kuh Ledesma at si Garri Concepcion na anak ni Gabby Concepcion kay Grace Ibuna.
Sa SOP lang kaya puwedeng mag-guest sa show ng GMA-7 si Karel? Kung makakapag-guest siya sa mga di katapat ng Pedro Penduko, abay may posibilidad na magkasama sila ni Jeremy Marquez.
Hindi na makakapag-deny si Jeremy sa panliligaw kay Karel dahil sa sagot ng dalaga na "Hindi pa," at "Wala pa," nang tanungin kung silang dalawa na.
Sa grand presscon ng The Promise this week, malalaman kung isinoli na ni Richard Gutierrez kay Angel Locsin ang hiniram na diamond earring na ginamit para maiba ang looks niya sa ending ng pelikula. Ang hikaw din ang ipinambutas sa tenga ng actor kaya, di mabawi ng actress hanggat di gumagaling ng husto ang butas sa tenga ng binata.
Makikita rin ng press kung totoong hindi na naiilang si Richard na maging sweet kay Angel dahil siguro wala itong boyfriend. Kahit si Annabelle Rama, nagulat na laging nakaakbay ang anak sa leading lady sa last shooting day nila. Nahiya itong magtanong kung ano ang ibig sabihin ng kakaiba nilang closeness at sweetness.
Sa February 14 na ang showing ng Valentines Day presentation ng GMA Films at Regal na dinirehe ni Mike Tuviera. Tiyak na aabangan ang nasulat na two love scenes and three very passionate kissing scenes nina Angel at Richard.
May gagawin din siya sa Unitel na co-produced ng Star Cinema na sa abroad din ang shooting and to be directed by Jun Reyes. Panghuli ang project ng GMA Films na ang script ay winner sa Palanca. Hindi pinangalanan ni Sharon ang director at ready to shoot na ito.
Gusto pa rin nitong matuloy ang movie nila ni Aga Muhlach na naudlot at gusto niyang makasama sina Maricel Soriano, Lorna Tolentino, Amy Austria, Gina Alajar and Hilda Koronel. Bago mag-retire, gusto niyang magawa ang dream movie with her idol Vilma Santos. Katuwa ang request nito kay Malou Santos na kahit si Vilma muna ang bayaran at ihuli na siya.
Wish din nitong muling makagawa ng movie with Robin Padilla and Richard Gomez at makasama sina Piolo Pascual at Jericho Rosales. Sa rami nang gusto pang gawing project ni Sharon, matagal pa bago siya mag-retire.
Samantala, ipinagmalaki ni Sharon ang anak na si Frankie Pangilinan dahil take one sa recording sa theme song ng TV commercial nila for McDonalds. Ang dami raw nitong offer after mag-air ang TVC at nakiusap na kakanta sa kanyang concert.
Kasama pala sa repertoire ng concert ni Sharon ang songs sa kanyang "Isnt It Romantic" album under Sony BMG gaya ng "How Deep Is Your Love" at "To Love Again." Mag-ipon na para sa volume 2 ng album.
Sa SOP lang kaya puwedeng mag-guest sa show ng GMA-7 si Karel? Kung makakapag-guest siya sa mga di katapat ng Pedro Penduko, abay may posibilidad na magkasama sila ni Jeremy Marquez.
Hindi na makakapag-deny si Jeremy sa panliligaw kay Karel dahil sa sagot ng dalaga na "Hindi pa," at "Wala pa," nang tanungin kung silang dalawa na.
Makikita rin ng press kung totoong hindi na naiilang si Richard na maging sweet kay Angel dahil siguro wala itong boyfriend. Kahit si Annabelle Rama, nagulat na laging nakaakbay ang anak sa leading lady sa last shooting day nila. Nahiya itong magtanong kung ano ang ibig sabihin ng kakaiba nilang closeness at sweetness.
Sa February 14 na ang showing ng Valentines Day presentation ng GMA Films at Regal na dinirehe ni Mike Tuviera. Tiyak na aabangan ang nasulat na two love scenes and three very passionate kissing scenes nina Angel at Richard.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended