^

PSN Showbiz

Award giving bodies ‘di na interesado ang mga advertisers

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Marami ang nagsasabi sa akin kung bakit dito lang sa atin pinapayagan na mag-away-away ang mga mag-aasawang artista na para bang pangkaraniwan na lang na ginagawa ng mag-asawa.

Tulad ng iringan nila Grecthen Barretto at Lani Mercado na siyempre, sangkot ang kani-kanilang asawa-sina Sen. Bong Revilla at Tonyboy Cojuangco.

Tigilan na sana ito. Totohanin na ni Gretchen ang sinabi niyang willing na siyang makipag-usap at makipagbati kina Lani at Bong, para matapos na ang lahat.

At sana naman ay huwag na ring dugtungan pa o gatungan ng mga writers para tuluyan nang matuldukan ang isyu sa kanila.

Kung baga sa pelikula dapat ay "the end" na para pare-pareho na silang maging masaya. Tutal naman may kanya-kanya na silang buhay at kita naman na maligaya at kontento sila sa kanilang mga sariling pamilya kaya sana ay matapos na ang bangayan.
* * *
Talaga namang hindi makalimutan ng mga viewers ang aming anibersaryo ng That’s Entertainment sa ating programa na Walang Tulugan kamakailan.

Maraming direktor sa TV ay nagtawagan sa akin at lahat sila ay impressed sa mga pinagdaanan ng mga kabataang produkto nito.

Nakita nila ang hamon ng training ng That’s noon - may paligsahan sa acting, dancing, singing at kung anu-ano pang pinaggagawa ng members noon.

Mas lalo silang humanga sa taunang anniversary ng That’s noon dahil talagang kita nila ang production numbers na sila-sila mismo ang nagbuo ng konsepto.

Sorry na lang dahil wala talagang katulad at mahirap ikumpara pa ito sa mga nagsulputang talent search shows ngayon.

Kita naman n’yo ang produkto ng That’s Entertainment masasabi mong world class ang ilan sa mga naging bunga nito.

Hindi mo rin basta babalewalain ang mga lokal na pambatong artista na siyang pinakikinabangan ng industriya natin ngayon na karamihan ay galing sa aking programa.
* * *
Totohanan na ba ang magandang ipinakikita nila Richard Gutierrez at Angel Locsin o dahil sa meron lang silang pelikulang The Promise.

Pero sabi nga ng mga saksi sa shooting ng kanilang intimate scene, mukhang may halong katotohanan ang mga ipinakita nila sa eksenang ito, dahil sa bigay na bigay sila.

Hindi naman nakakapagtaka kung muling mabuhay ang kani-kanilang mga damdamin sa isa’t isa lalo’t libre na ngayon si Angel.

Simula na kaya ito nang naudlot nilang relasyon noon na nagsimula sa mga pinagsamahan nilang TV series at movie? Maliban lang kung may kontrabidang susulpot sa maganda nilang pagtitinginan ngayon, malamang maudlot na naman.
* * *
Mukhang walang gana ngayon ang mga producer na buhayin ang awards giving bodies. Katunayan ay give up na sila dahil sa hindi ito bumibenta.

Hindi tulad noong araw na malaki ang kita ng mga awards night na talagang click na click sa manonood, advertisers at producers.

Kasi naman bawat awards giving body ngayon o filmfest ay magulo at hindi nawawalan ng isyu.

Nandiyan din ang awayan o paghihinala sa mga nahirang na nanalo. Eh sino nga ba ang gaganahan pa na mag-produce sa ganitong sistema?
* * *
Huwag po n’yong kalimutan ang Dekada Anniversary ng Walang Tulugan na magsisimula na ngayong Feb 3 at sa susunod pang Sabado.

Sinigurado na po ng mga sikat nating artista na darating sila at makikisaya sa atin. Kung gusto n’yong manood, alas singko pa lang ng hapon ay pumunta na kayo sa Broadway Centrum.

ANGEL LOCSIN

BONG REVILLA

BROADWAY CENTRUM

CENTER

DEKADA ANNIVERSARY

GRECTHEN BARRETTO

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with