Ara/Polo breakup: Polo, hindi prioridad ni Ara!
January 28, 2007 | 12:00am
In the news ang tungkol sa hiwalayan nina Polo Ravales at Ara Mina pero wala pang kumpirmasyon from both camps. Nakausap namin si Polo sa birthday party ni IC Mendoza last Sunday, January 21 sa Watering Hole across Shangrila Mall.
Nangako kaming i-off-the-record muna ang usapan until such time na puwede nang ilabas, preferably after Loving Ara@15 concert sa Araneta Coliseum on February 3. Pero dahil sa mga balita at ispekulasyon, humingi na kami ng permiso kay Polo na magsulat ng aming pinag-usapan at pinayagan na niya kami.
"Yes, napagkasunduan naming mag-cool off muna, pero winu-workout pa rin namin ang mga problema. Tama yung nababalitang "time" para sa isat isa ang main problem kaya kami nagkakalabuan.
"Another thing ay ang mga priorities niya at this point in time. Marami pa siyang gustong gawin at ma-achieve. Pero naiintindihan ko naman siya and Im willing to support her all the way. Mahirap ang sitwasyon pero kapag mahal mo ang isang tao, youll love everything in her 101%, di ba?" lahad ni Polo saka tumahimik saglit.
Does that mean youre the least of her priorities? Na hindi ka kasama sa iba pa niyang plano sa buhay? Ngiti lang ang una niyang tugon, sabay yuko ng ulo at saka nagsalita:
"Hindi naman ho siguro ganoon. Mahal ko siya at ramdam ko rin naman na mahal niya ako, kaya lang, theres something wrong somewhere. Umaasa pa rin akong maaayos namin ang lahat, sana!" Pagtatapos ni Polo.
The week before na magkausap kami, nagkasakit si Polo. But it has nothing to do with the cool off period nila ni Ara. Gastro something ang findings sa kanya, and he was up and about in time for his guesting sa Katoque, a cooking show, at taping for Ganda ng Lola Ko both for QTV 11.
Kasama si Polo sa seryeng Lupin ni Richard Gutierrez at bida/kontrabida ang role na na-assign sa kanya. Magsisimula na silang mag-taping any day now dahil March magsisimula ang airing nito. - Ben Dela Cruz

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended