^

PSN Showbiz

Babaeng Ogie Alcasid

-
Nasulat namin dito sa PSN last week na sobrang close na sina Matt Evans at ang leading lady niya sa Pedro Penduko na si Melissa Ricks maski na off-cam, bagay na hindi naman nakakaligtas sa paningin ng mga kasamahan nila sa set, maliban sa tunay na girlfriend ng young actor na si Olyn Meimban.

At sa katunayan ay gumimik pa sina Matt at Melissa sa Punchline na hindi naman kasama si Olyn.

Kinunan namin ng reaction ang 7 months old girlfriend ni Pedro tungkol sa isyu, "Opo ‘te Reggs, alam ko ‘yung lumabas sila dahil nagpaalam naman sa akin si Matt. Okey lang po kung ma-link sila ni ate Mel (tawag niya kay Melissa) kasi alam ko naman ang totoo at may tiwala ako kay Matt," pangangatwiran ng dalagita.

Hindi raw uso sa dalawang young lovers ang salitang selos dahil nararamdaman nila sa bawa’t isa ang presence maski na hindi sila magkasama o nagkikita dahil halos minu-minuto naman daw ay nagti-text sila ng mga nangyayari sa kanila sa tapings o kung nasaan mang lugar sila.

At maski na support lang si Olyn kina Matt at Melissa ay walang problema dahil ang mahalaga ay may trabaho sila ng boyfriend niya, "Kailangan ko pa po bang mamili, e, ang ganda-ganda ng ibinigay sa amin ng ABS-CBN, imagine ang ganda ng exposure namin dito sa Komiks," say pa ni Olyn.
* * *
Kung magtutuluy-tuloy ang pagsikat ni Yeng Constantino dahil sa pagsusulat niya ng mga kanta at benta ng album niya ay malamang na siya ang puwedeng tawaging ‘Babaeng Ogie Alcasid’ (nagkataong paborito niya si Ogie at ang partner nitong si Regine Velasquez) dahil halos lahat ng komposisyon ng singer/songwriter ay sumisikat at kinukuhang soundtrack sa mga pelikula.

Sa "Salamat" album ni Yeng under Dream Big Productions (released thru Star Records) ay wala kang itatapon sa 10 tracks songs dahil halos lahat pala ay pinapatugtog na sa radio tulad ng "Hawak Kamay", "Pangarap Lang", "If We Fall In Love" at ang carrier song niyang "Salamat".

Maganda ang version niya ng "Bulag, Pipi at Bingi" ni Snaffu Rigor na kinanta naman ni Kaka Freddie Aguilar na ayon mismo kay Yeng, "Salamat at pinayagan akong i-revive dahil gustung-gusto ko ‘yung kantang ‘yun."

Isa pang type ring i-revive ng Pinoy Dream Academy 1st Grand Star Dreamer ay ang awiting "Tao" ni Sampaguita at ‘yung sa grupong Asin na hindi niya matandaan ang titulo.

"As of now ay may two songs na po akong nagagawa para sa next album, he, he, sana may kasunod nga," sambit ng bagets na musikera.

Samantala, parang batang ikinukuwento ni Yeng sa amin na first time niyang magpa-foot spa at magpa-rebond ng buhok nung binigyan siya nina direk Laurenti Dyogi at Direk Jon Ilagan ng isang araw na day-off.

"Ang sarap po palang magpa-foot spa, kikiskisin ‘yung paa ko, nakiliti ako. At nagpa-hair rebonding po ako kasi dry na raw ang buhok ko. Nangyari po ‘yun kasi nag-day off po ako ng isang buong araw. Ang sarap ng feeling," kuwentong bata ni Yeng.

Grabe raw kasi ang schedules nilang PDA Top 6 lalo na siya (Yeng) dahil sa rami ng commitments, "May contract signing, may mall shows, may appearance, may rehearsals, may meeting, may pictorials, may interviews, kakaloka po pala," saad pa sa amin.

Ang pasalamat niya ay may 5 hanggang 6 na oras na ang tulog niya ngayon unlike before na 2 hours lang.

At sa darating na Biyernes, February 2 ay may major concert ang Top 6 sa Cebu Coliseum na produced ng manager ni PDA 2nd runner-up Jay-R Siaboc, Mario Colmenares. — REGGEE BONOAN

CEBU COLISEUM

DAHIL

DREAM ACADEMY

DREAM BIG PRODUCTIONS

FREDDIE AGUILAR

HAWAK KAMAY

NIYA

OLYN

YENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with