^

PSN Showbiz

Mobile TV, sisimulan ng ABC 5

RATED A - Aster Amoyo -
Kung ang GMA-7 at ang ABS-CBN ay patuloy sa kanilang ‘giyera’ in terms of network supremacy, kakaiba naman ang nangyayari ngayon sa ABC-5 na pag-aari ng telecom magnate na si Tonyboy Cojuangco dahil sa halip na ito’y makipagsabayan sa dalawang higanteng TV networks ay tila lalo silang napag-iiwanan.

Nakakalungkot isipin na ang local franchise sa Pilipinas na Philippine Idol ay hindi man lamang gaanong naka-take off in terms of ratings at hindi gaanong nai-market considering na ang parent program nito na American Idol ay sinusubaybayan sa buong mundo. Kung hindi kami nagkakamali, mahigit P100-M ang ginugol ng ABC-5 para madala sa Pilipinas ang franchise nito pero hindi man lamang ito nabawi in terms of advertising support.

In fairness to ABC-5, may mga programa rin silang magaganda at nagri-rate pero gaano man ang mga ito kaganda kung walang advertisers, hindi rin ito makaka-survive.

Sa pagpasok ng 2007, sinimulan ng Singko ang pagkansela ng ilan sa kanilang mga programa at kasama na rito ang lahat ng kanilang mga public affairs program tulad ng Ali, Frontline, Metro, Docu at Real Story at ilang entertainment shows. Siyempre, sa pagkawala ng ilang programa, co-terminus dito ang mga production staff kaya marami ang nawalan ng trabaho.

Sa totoo lang, isa kami sa mga na-disappoint sa kinahinatnan ng Philippine Idol na P1M lamang ang naibigay nila sa first Philippine Idol na si Mau Marcelo samantala si Yeng Constantino, ang kauna-unahang grand dreamer ng Philippine Dream Academy ay nakakuha ng furnished condo unit, isang sasakyan, build-up contract at P1M cash prize bilang bahagi ng mga naiuwi niyang premyo. Naging posible rin sana ito sa Philippine Idol grand winner kung ito’y kanilang trinabaho at naibenta nila ng husto sa mga advertisers.
* * *
May ilang taon ding namayagpag sa ere ang Wow, Mali ni Joey de Leon sa ABC-5, ganundin ang Eezy Dancing at Sing-Galing pero, hindi rin ito nabigyan ng attention ng marketing. Ganundin ang nangyayari ngayon sa Shall We Dance ni Lucy Torres na kahit maganda ang programa ay aalug-alog din ang commercials nito.

Kinakailangan na sigurong kumilos si G. Cojuangco bago maging huli ang lahat at magpatuloy ang kanyang pagkalugi ng milyones buwan-buwan. Kinakailangan na sigurong i-revamp ang kanyang production at sales force at palitan ng mas maalam sa pagpapatakbo nito.

Samantala, napag-alaman namin na may malaki umanong project na niluluto ngayon si G. Cojuangco na may kinalaman sa Mobile TV. Hindi magtatagal at mapapanood na rin sa mga cellphones ang iba’t ibang TV programs at magiging posible lamang ito sa pamamagitan ng individual subscription. Abangan!

AMERICAN IDOL

COJUANGCO

DREAM ACADEMY

EEZY DANCING

KINAKAILANGAN

PHILIPPINE IDOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with