^

PSN Showbiz

Judy Ann, bagong leading lady ni Vhong

-
Inihahanda na ng ABS-CBN ang ipapalit sa Pedro Penduko at ito’y ang Buhawi Jack na bida si Vhong Navarro at kapareha niya ang Box Office Queen na si Judy Ann Santos. Inaayos na ang schedule ng dalawa para ‘di mag-conflict sa taping ng Ysabella ng actress at Lastikman ni Vhong.

Wala pa kaming dagdag na detalye sa Buhawi Jack, gaya ng kung sino ang director at kasama sa cast ng dalawa. Ang tiniyak ng aming source, ikatutuwa ng husto ni Vhong ang pagpayag ni Judy Ann na siya’y maka-trabaho.

Kung magtatapos sa March ang Pedro Penduko, safe kayang sabihing sa April ang airing ng Buhawi Jack?
* * *
Makakapahinga sa galit ng fans si Lotlot de Leon dahil hindi siya kontrabida sa Princess Charming. Siya ang biological mother ng isa kina Eunice Lagusad, Joy Folloso at Krystal Reyes at malalaman ninyo kung sino ang anak niya sa tatlo ‘pag sinubaybayan ninyo ang afternoon soap na magsisimula sa January 29 sa Dramarama Sa Hapon ng GMA-7.

Ikinuwento ni Lotlot na noong nasa Bakekang pa siya, habang naggu-grocery sa Unimart, may babaing lumapit sa kanya at siya’y inaway. Nagulat at natakot siya nang paulit-ulit na sabihang masama ang ugali at nawala lang ang takot nang sabihin ng babae na pinapanood siya sa nabanggit na teledrama.

Nagpapasalamat si Lotlot sa GMA-7 dahil ‘di pa man tapos ang Bakekang, binigyan na siya ng kasunod na project at maganda pa ang kanyang role. Nakakatuwa raw malamang malaki ang tiwala sa kanya ng Siete.

Samantala, hindi deretsong nasagot ni Lotlot ang tanong namin kung totoong nanliligaw ang kapatid niyang si Kiko de Leon kay Yasmien Kurdi. Hindi niya alam kung may lakas ng loob ang bagets na manligaw sa artista. Wala rin daw balak mag-artista ang binata’t gusto’y mag-banda.

Nalaman din namin kay Lotlot na hati sila ni Ian de Leon sa responsibilidad sa mga kapatid. Kung sino ang may pera sa kanila’y siyang sumusuporta kina Kiko at Kenneth at thankful din ang actress na kasama si Ian sa cast ng Super Twins ng Ch. 7 pa rin.
* * *
Katuwa ang reaction ni Alessandra de Rossi sa nabalitaang nagdi-date ngayon ang ex-boyfriend niyang si Jeremy Marquez at Karel Marquez. Maganda raw dahil˜di na magpapalit ng apelyido ang huli dahil pareho silang Marquez.

Wala pa naman daw relasyon sina Jeremy at Karel at kung mauuwi man sa romansa ang madalas na pagdi-date ay walang problema dahil magka-pareho man sila ng surname, ‘di sila magkamag-anak.

Samantala, nalaman namin kay Manny Valera, manager ni Alex na in-offer sa actress ang lesbian role ni Mylene Dizon sa Rome & Juliet. Hindi nito tinanggap ang digital film dahil sa matitinding kissing scenes with Andrea del Rosario. Hindi kinaya ni Alex ang makipag-halikan with the same sex pati yung shower scenes na medyo mahaba rin. - Nitz Miralles

vuukle comment

ALEX

BAKEKANG

BOX OFFICE QUEEN

BUHAWI JACK

DRAMARAMA SA HAPON

LOTLOT

PEDRO PENDUKO

SIYA

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with