Inferior ang service kapag GC ang ipinambabayad!
January 24, 2007 | 12:00am
May lumabas sa isang tabloid (hindi sa amin) na nagkomento tungkol sa gift certificate (GC) na ibinigay sa isang showbiz staff na napanalunan sa raffle noong mga nakaraang pa-presscon.
Ayon sa staff, ang worth ng GC ay 5,000 para sa facial treatment. Pero nang magtungo siya sa clinic somewhere in Makati ay napakadali ng ibinigay sa kanyang facial treatment na tumagal lang ng wala pang kalahating oras. Nagmamadali ang clinic attendant sa pagsasagawa ng facial treatment.
Ganito rin ang nangyari sa isang writer na nakabunot ng GC worth 2,000 sa isang derma clinic somewhere in Quezon City. Mga 15 minutes lang ang ginawang facial treatment sa kanya.
Ganito pala ang kalakaran sa mga derma clinic na kapag GC ang ibinigay at kapag bayad ay madalian ang kanilang serbisyo. Alam kaya ng mga may-ari ng derma clinic ang ginagawa ng kanilang staff?
Ang ganda-ganda ngayon ni Meryll Soriano na three months on the family. Dahil dito, maraming nagpapalagay na baka babae ang maging panganay nila ni Bernard Palanca. Pero mas gusto sana ng mag-asawa na maging boy ang kanilang unang anak. Pero kung babae ang ipagkakaloob ay matutuwa rin ang mag-asawa at sanay maging healthy ang baby.
Manggang hilaw at kamias ang napaglilihian ni Meryll.
Kasama ang aktres sa Roomboy at In The Red Corner kaya suportado nito ang Bagong Agos Films Festival na nagbibigay halaga sa indie films.
Mutual admiration ang nadarama nina Miss Malaysia Carrie Lee at Victor Neri at desidido ang aktor na ligawan ito ngayong wala na sila ni Michelle Madrigal.
Mukhang papasa naman si Victor sa dalaga dahil nang tanungin ito kung ano ang reaksyon nito sakaling manligaw ang aktor ay bigla itong nag-dialogue ng "Why not?" O di ba, may tsansa si Victor?
Basta pinag-uusapan ngayon ang isang sikat na actress na walang respeto sa mga nakatatandang kasamahang artista.
Unang nagkomento ng kawalan niya ng respeto ang isang sikat na komedyante at actress. Nagkita sila sa isang parlor pero, dinedma lang siya gayung magkakilala silang mabuti.
Ang ikalawang binastos nito ay isang veteran actress. Nagkita sila sa set kung saan nagti-taping ito at guest naman ang veteran actress. Hindi bumati ang young actress at nang tanungin ito ng veteran actress kung sino ang kasama niya ay walang gana itong sumagot at sinabayan ng alis.
Marami pang mga kasamahang artista ang nagkokomento ng kawalang-galang ng young actress sa kanila na akala mo ay walang kakilala. Mabait pa naman at popular ang manager nito kaya umaasa ang ilang artista na sanay mapagsabihan nito ang alaga na napakabastos.
Ayon sa staff, ang worth ng GC ay 5,000 para sa facial treatment. Pero nang magtungo siya sa clinic somewhere in Makati ay napakadali ng ibinigay sa kanyang facial treatment na tumagal lang ng wala pang kalahating oras. Nagmamadali ang clinic attendant sa pagsasagawa ng facial treatment.
Ganito rin ang nangyari sa isang writer na nakabunot ng GC worth 2,000 sa isang derma clinic somewhere in Quezon City. Mga 15 minutes lang ang ginawang facial treatment sa kanya.
Ganito pala ang kalakaran sa mga derma clinic na kapag GC ang ibinigay at kapag bayad ay madalian ang kanilang serbisyo. Alam kaya ng mga may-ari ng derma clinic ang ginagawa ng kanilang staff?
Manggang hilaw at kamias ang napaglilihian ni Meryll.
Kasama ang aktres sa Roomboy at In The Red Corner kaya suportado nito ang Bagong Agos Films Festival na nagbibigay halaga sa indie films.
Mukhang papasa naman si Victor sa dalaga dahil nang tanungin ito kung ano ang reaksyon nito sakaling manligaw ang aktor ay bigla itong nag-dialogue ng "Why not?" O di ba, may tsansa si Victor?
Unang nagkomento ng kawalan niya ng respeto ang isang sikat na komedyante at actress. Nagkita sila sa isang parlor pero, dinedma lang siya gayung magkakilala silang mabuti.
Ang ikalawang binastos nito ay isang veteran actress. Nagkita sila sa set kung saan nagti-taping ito at guest naman ang veteran actress. Hindi bumati ang young actress at nang tanungin ito ng veteran actress kung sino ang kasama niya ay walang gana itong sumagot at sinabayan ng alis.
Marami pang mga kasamahang artista ang nagkokomento ng kawalang-galang ng young actress sa kanila na akala mo ay walang kakilala. Mabait pa naman at popular ang manager nito kaya umaasa ang ilang artista na sanay mapagsabihan nito ang alaga na napakabastos.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended