Charming, pinapaghintay ang press!
January 24, 2007 | 12:00am
Ala-una na ng hapon nang lisanin ko ang Annabels sa QC kung saan ginanap ang pa-presscon para sa Princess Charming, latest telenovela ng GMA7 na magsisimula sa Enero 29 pero, ni hindi ko nakita ang isa sa pinaka-star ng palabas na unang sumikat sa Bakekang, si Eunice Lagusad.
Nasa opisina na ako nang may matanggap akong tawag na nagsabi na dumating din naman ang batang artista, at nahuli ito dahilan sa mayron ginawa sa iskwela.
Akala ko pa naman, may attitude na si Eunice dahilan sa naghintay sa kanya ang buong cast ng teleserye (Krystal Reyes, Allan Paule, Mel Martinez, Jade Lopez, Chanda Romero, Jackie Rice, Zoren Legaspi, Carmina Villaroel, Lotlot de Leon at Mark Herras) at ang entertainment press na marami na rin ang umalis dahilan sa may iba pang lakad o kagaya ko na may deadline na hinahabol.
Dalawa o tatlong ka-mesa ko ang nakaringgan ko ng reklamo dahil tapos na nga silang kumain at nakapag-interview na kay Princess (Krystal Reyes) pero no appearance pa rin si Charming (Eunice). Wala ka namang makausap na isang artista dahil nakaupo na sila sa presidential table at matiyagang hinihintay ang pagdating ni Charming.
Ganunpaman ang Princess Charming ay kwento ng dalawang bata na ang kinabukasan ay babaguhin ng pakikialam ng isang mayamang donya na ang mga desisyon sa buhay ay inaasa sa hula.
Direksyon ni Argel Joseph.
Kung kapareho ko kayong mahilig sa ice skating, sigurado akong panonoorin nyo ang ice skating variety show na Melanj On Ice na ipalalabas sa Ninoy Aquino Stadium simula bukas, Enero 25 (kasama ang press night), Jan. 26, 27 at 28 (3 shows daily), Feb. 1 (2 shows), 2, 3 at 4 (3 shows daily), 5, 6, 7 at 8 (2 shows daily) at 9, 10, 11 (3 shows daily) dahil makakapanood na kayo ng isang napakasayang palabas, magagamit nyo pa ang tiket para dito para makapasok kayo sa (Ride All You Can ) sa Star City.
Hitting 2 birds with one stone kaya go na kayo! O tumawag sa 9115555 para sa tiket.
Isang matinding dramahan ang magaganap kina Agat (Gardo Versoza) at Piranus (Paolo Contis) ngayong gabi sa Atlantika ng GMA7 na magkakakilala na ang mag-ama.
Imumungkahi ni Barracud (Ariel Rivera) na magpakasal ang mga anak nila ni Agat (Piranus at Amaya (Iza Calzado) para pamunuan ang Atlantika. Papayag ito pero, tututol sina Amaya at Aquano (Dingdong Dantes). Magtatalo sina Piranus at Amaya.
E-mail: [email protected]
Nasa opisina na ako nang may matanggap akong tawag na nagsabi na dumating din naman ang batang artista, at nahuli ito dahilan sa mayron ginawa sa iskwela.
Akala ko pa naman, may attitude na si Eunice dahilan sa naghintay sa kanya ang buong cast ng teleserye (Krystal Reyes, Allan Paule, Mel Martinez, Jade Lopez, Chanda Romero, Jackie Rice, Zoren Legaspi, Carmina Villaroel, Lotlot de Leon at Mark Herras) at ang entertainment press na marami na rin ang umalis dahilan sa may iba pang lakad o kagaya ko na may deadline na hinahabol.
Dalawa o tatlong ka-mesa ko ang nakaringgan ko ng reklamo dahil tapos na nga silang kumain at nakapag-interview na kay Princess (Krystal Reyes) pero no appearance pa rin si Charming (Eunice). Wala ka namang makausap na isang artista dahil nakaupo na sila sa presidential table at matiyagang hinihintay ang pagdating ni Charming.
Ganunpaman ang Princess Charming ay kwento ng dalawang bata na ang kinabukasan ay babaguhin ng pakikialam ng isang mayamang donya na ang mga desisyon sa buhay ay inaasa sa hula.
Direksyon ni Argel Joseph.
Hitting 2 birds with one stone kaya go na kayo! O tumawag sa 9115555 para sa tiket.
Imumungkahi ni Barracud (Ariel Rivera) na magpakasal ang mga anak nila ni Agat (Piranus at Amaya (Iza Calzado) para pamunuan ang Atlantika. Papayag ito pero, tututol sina Amaya at Aquano (Dingdong Dantes). Magtatalo sina Piranus at Amaya.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended