^

PSN Showbiz

Mag-iisang taon na ang ultra stampede

- Veronica R. Samio -
Sa susunod na buwan ay isang taon na simula nang magkaro’n ng hindi magandang kaganapan sa Ultra na kung saan ay ginanap ang isang pagtatanghal ng noontime show ng ABS CBN, ang Wowowee na kung saan ay nagkaro’n ng isang madugong stampede na kumitil sa buhay ng 71 katao.

Ang pangyayaring ito ang nagbunsod sa ABS CBN para itatag ang 71 Dreams Foundation na ang layunin ay magbigay ng tulong sa pamilya ng mga naging biktima. Para sila ay maging self-reliant at maging responsable at productive members ng society. Karamihan sa mga namatay ay mga main providers of their family at ang pagkawala nila ay isang malaking problema sa mga naiwan nila na sa kanila lamang umaasa.

Ang 71 Dreams Foundation na pinamumunuan ni Fr. Tito Caliuag at ng kanyang masipag na staff ay nagbibigay ng tulong sa edukasyon, livelihood, employment/referral, counselling, family conferences at medical sa pamilya ng mga nasawi.

Mag-iisang taon na ang kaganapan sa Ultra at bagaman hindi naging madali ang pagsisimula ng 71 Dreams Foundation, nitong mga huling buwan ng nakaraang taon ay natulungan na ng organisasyon ang mga naiwang pamilya sa mga aspetong nabanggit.

Pinakamalaking tulong sa foundation ang ABS CBN, ang mga empleyado nito, talents at maging ang mga execs. Marami sa mga empleyado ang hindi na kinuha ang mga rasyon nilang bigas at sa halip ay itinulong sa pamilya ng mga namatay.

Last Christmas, lahat ng pamilya ng 71 namatay ay binigyan ng noche buena package. Meron din silang tinanggap na family gift na base sa kanilang pangangailangan tulad ng moskitero, gamit sa pagluluto, kumot, damit at tuwalya. Meron ding inspirational gifts na tulad ng mga gamit sa iskwela, sapatos at mga pantulong sa tinanggap nilang pangkabuhayan tulad ng timbangan, ihawan, cooking utensils, dish drainer at foot spa machine.

Mag-iisang taon na nga ang ultra stampede at bilang pag-aalala ay magdaraos ng isang misa para sa pamilya ng mga nasawi si Fr. Caliuag na dun gaganapin sa site.
* * *
Mga batang artista ang mga bida sa bagong teleserye ng ABS CBN, ang Maria Flordeluna na isang revival ng isang popular na serye sa radyo nung 1970 na ididirek ni Jerry Sinenang at gagampanan ng 11 gulang na si Eliza Pineda, yung lovable kid na anak nina Piolo at Juday sa Till There Was You.

Gagampanan ni Eliza yung role na pinasikat nun ni Janice de Belen sa TV at makakasama niya sina Nash Aguas bilang Rene Boy, Kristel Fulgar (Wilma), Albert Martinez (Leo Alicante), Eula Valdez (Jo Alicante), Jill Yulo (Annie), Alwyn Uytingco (JC), Liza Lorena ( Brigida), Vina Morales (Elvira) at marami pang iba.

Lahat ng batang kasali ay dumaan sa mahigpit na audition maging si Kristel na piniling maging kontrabida ni Eliza bagaman at sa seryeng Bituin na tinampukan ni Nora Aunor ay siya ang bida at si Eliza ang kontrabida.
* * *
E-mail: [email protected]

ALBERT MARTINEZ

ALWYN UYTINGCO

DREAMS FOUNDATION

ELIZA

ELIZA PINEDA

EULA VALDEZ

ISANG

JERRY SINENANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with