^

PSN Showbiz

Mga anak ni Janice, di natuloy sa Maria Flordeluna

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Marami kaming nadidiskubre sa latest away nina Jennylyn Mercado at Mark Herras at habang nasa away-bati mode sila, marami pang mabubulgar at madadawit na tao.

Nabasa namin ang isang text message ni Jennylyn kay Mark yung sinabi nitong tinanong ni Patrick Garcia ang address niya (ni Mark) at nagtanong pa kung ibibigay niya? Kasama sa message ang "Kaya handa mo na sarili mo ha! Ingat ka lagi." Naka-save ang message na yun sa cellphone ni Mark at puwedeng basahin.

Nabanggit din ni Mark na wala siyang balak sirain ang relasyon nina Jen at Patrick. Ang ikinainis lang daw niya’y ang pag-epal (papel) ni Patrick. "Bakit ume-epal siya sa away naming personal ni Jennylyn?"

Sa January 29 na eere ang Princess Charming sa Dramarama Sa Hapon slot ng GMA-7. Marami pang malalaman ang press kay Mark sa presscon ng show na kundi kami nagkakamali’y this week na. Puwede ring walang presscon para makaiwas ang actor ng dagdag na kontrobersya.
* * *
Sayang at tapos na ang interview ng Atlantika nang pumutok ang isyung muling pag-aaway nina Jennylyn Mercado at Mark Herras. Dawit sa isyu si Katrina Halili dahil sa kanya raw nagsumbong ang una sa away nila ng ex-boyfriend.

Inamin din daw ni Katrina kay Jennylyn na may MU na sila ni Mark. Heto pa, galit daw si Mark kay Katrina dahil idini-deny ang kanilang relasyon. O, di ba controversial ang mga tanong? Sa interview sa kanya, four times umiyak ang una and for sure, kung naitanong namin sa kanya ang nabanggit naming isyu, baka 10 times siyang umiyak.

Anyway, nag-deny si Katrina na nagsumbong sa kanya si Jennylyn dahil hindi sila nagkakausap at last time silang nag-usap was two weeks ago. Itinanggi rin nitong may MU sila ni Mark. Hindi kaya ang ending nito, sila ni Jennylyn ang mag-away dahil lumalabas na nagsinungaling ito nang sabihing nagkausap sila?

Samantala, ayaw ding ipaalam ni Katrina kung ano ang mangyayari kay Ruana (character niya sa Atlantika) sa nalalapit nitong ending sa February 9. Hindi ito nag-iisip sa susunod niyang project dahil kasama siya sa Lupin III na bida si Richard Gutierrez.
* * *
Wala sa original story ang role ni John Estrada sa Maria Flordeluna as Col. Gary Alvarado, kaya mas natsa-challenge siya. Half-brother siya rito ni Col. Leo Alicante (Albert Martinez) at lahat ng bagay na meron ang kapatid ay kanyang aagawin.

Grade five si John nang umere ang Flordeluna na bida si Janice de Belen na ‘di niya alam ay magiging wife niya. Sa pagbabalik nito sa ere, siya naman ang kasama sa cast and for sure, ‘di siya panonoorin ng kanyang ex-wife.

Nabanggit ni John na kinukuha ng ABS-CBN ang second daughter nila ni Janice na si Moira to play Maria Flordeluna. Hindi lang natuloy dahil 13 years old na ang anak at 11 y/o ang hinahanap at bumagay yun kay Eliza Pineda.

Kinonsider din ang youngest daughter nilang si Kaila na umayaw dahil natakot at ‘di nila pinilit. Lalong ‘di puwede si Inah (their eldest) dahil 15 y/o na ito at pinatigil na nila ni Janice sa paglabas sa TV para mag-concentrate sa pag-aaral.

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

DAHIL

DRAMARAMA SA HAPON

JANICE

JENNYLYN

JENNYLYN MERCADO

MARIA FLORDELUNA

MARK

MARK HERRAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with