^

PSN Showbiz

Sa edad na 23, ayaw ni Angelika maging ina sa TV ni Maja, 18 y/o

-
Sa papasok na linggo, malalaman na ang desisyon ni Christopher de Leon kung matutuloy siya sa pagpasok sa pulitika. He has to weigh things first at kailangang klaro ang option na ilalatag sa kanya sa political party na magtatagumpay na kumumbinse sa kanya.

Hindi pa rin matukoy ni Boyet kung vice-governor o congressman ang tatakbuhang posisyon at may nagsabi pang mayoralty post ang kanyang gusto. Pero, malamang na paka-congressman ang tanggapin niya dahil mas makakatulong siya sa mga taga-Batangas.

Hindi problema ang residency ni Boyet dahil matagal na siyang register voter sa Lobo, Batangas at okey ang papers niya. Kapag nakapag-desisyon na, mag-aaral siya bilang paghahanda at hindi lang crash course ang kukunin kundi, tuluy-tuloy na pag-aaral.

Tatalikuran ba niya ang showbiz pag nasa pulitika na siya?

"I don’t think so. Showbiz is my life and my first love at puwede akong mag-allot ng days for shootings and tapings. Noble job ko ito and I’m paid well at kaya kong pagsabayin."

Kasama rin sa pinag-aaralan ni Boyet ay kung anong political party ang malinaw ang offer sa kanya. To date, kinausap na siya ng UNO, Aksyong Demokratiko, Liberal Party (Mayor Lito Atienza wing) at may feelers ang Lakas. Desisyon na lang niya ang hinihintay at baka sa susunod namin siyang ma-interview, nakapag-file na siya ng candidacy.

Sa launching pala ng Circulan 4-in-1 namin nakausap si Boyet. Kasama niya sa pag-i-endorse sa health supplement sina Joyce Jimenez and Luis Manzano.
* * *
Hanggang February 9, na lang ang Atlantika, pero ayaw magbigay ng clue si Dingdong Dantes sa magiging ending ng fantaserye. Nakaka-intriga ang sinabi nitong may tragic na mangyayari kay Aquano (ang character niya) at ‘di na nag-elaborate at manood na lang.

Kapana-panabik ang mga susunod na episode habang nalalapit ang wakas nito at di raw dapat palagpasin.

Walang mabanggit na next project si Dingdong after the fantaserye, pero di siya mami-miss ng viewers dahil host siya ng Starstruck 4 The Next Level at nasa SOP pa rin siya. Tiyak din na maggi-guest siya sa iba’t ibang show ng network.

Ang gumanap na kontrabida ang dream role ni Dingdong at sana nga, bigyan siya ng chance ng Ch. 7 ng mga bad guy role para iba ang mapanood sa kanya. At his age, ripe na ang actor to play more mature and challenging roles.

Ang maganda lang sa pagtatapos ng Atlantika, makakapag-travel na si Dingdong. Excited na nga ito sa Japan show ng SOP sa last week ng March o first week ng April. Excited ito’t ngayon lang uli sila magkakasama ni Karylle sa ibang bansa at matataon pa sa second anniversary nila.
* * *
Sa edad na 23 years old, hindi pa ready si Angelika dela Cruz na gumanap sa mother role lalo’t teenager ang kanyang magiging anak. Nade-delay ang TV remake ng Viva Films movie na Kapag Langit ang Humatol dahil ayaw daw nitong pumayag mag-portray ng role na mother ni Maja Salvador.

Hindi pa yata makondisyon ni Angelika ang sarili na maging ina kay Maja na at 18 years old ay six years lang ang kabataan sa kanya. Pero, naniniwala kaming tatanggapin din nito ang soap ng ABS-CBN dahil role ni Vilma Santos sa movie ang kanyang gagampanan. Saka, mareremedyuhan ng make-up ang kanyang hitsura para palabasing mas matanda siya sa kanyang edad.

Habang nag-iisip pa si Angelika, uunahin niyang gawin ang Lastikman as Vhong Navarro’s leading lady. Sa February na ang start ng taping nila at kung tama ang sabi ni Vhong, sa March naman ang airing nito.
* * *
May replay ang Asian Treasures this Saturday bago ang Eat Bulaga at bukas, bago ang SOP para pagbigyan ang request ng mga hindi nakapanood ng premiere telecast at second day episode ng adventure-love story nina Robin Padilla at Angel Locsin.

Ginawa ito ng GMA-7 para mas maintindihan ng mga ‘di nakapanood sa first at second episodes at para mas maintindihan ang istorya nina Elias (Robin) at Gabriela (Angel). — NITZ MIRALLES

vuukle comment

AKSYONG DEMOKRATIKO

ANGEL LOCSIN

ANGELIKA

ASIAN TREASURES

ATLANTIKA

BATANGAS

BOYET

DINGDONG DANTES

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with