^

PSN Showbiz

Singer/comedienne, suportado ng bf sa pera at gamit

-
Nag-taping hopping kami ng katotong Vinia Vivar sa Pedro Penduko sa may Pasig City kung saan kinunan ang mundo ng Floresca nina Melissa Ricks, Jake Cuenca, TJ Trinidad, Nina Jose at ang guardian angel ni Matt Evans na si Kitkat.

Madugo pala ang taping ng PP dahil inaabot sila ng 36 hours para sa 2 o 3 episodes at depende pa sa eksena kung gaano ito kahirap, kaya pala tuwing iti-text namin si Matt kapag may inquiries kami ay dalawang araw bago sumagot dahil tulog.

At dahil bisi-bisihan sa taping ang mga bida ay si Kitkat ang nagsilbing entertainer namin ni katotong Vinia.

Dahil sa haba ng oras ay naikuwento na ni Kitkat ang buong buhay niya at pati ang boyfriend niyang 14 years ang tanda sa kanya.

"Kaya ako nag-boyfriend ng malaki ang agwat sa akin ate, kasi gusto ko ako naman ang aalagaan, kasi di ba ako ang breadwinner sa amin at ako ang nag-aalaga sa pamilya ko, parang gusto ko namang maranasan na inaalagaan," bungad esplika ng kilalang singer-comedienne ng Punchline.

Country manager daw ang trabaho ng boyfriend ni Kitkat at nakakatulong daw ito sa kanya sa lahat ng bagay mula financial, gamit at moral, "Kapag gipit ako, nag-aabot siya, mga baon ko sa tapings siya na ang namimili for me, so alaga ako at mahal ko naman talaga, pero hindi pa kami nagsasama, ayaw ko pa at alam niya na pamilya at career ko ang priority ko," say ni Maalindog (name ni Kitkat sa PP).
* * *
Nakakasira ng deadline ang mag ex-lovers na sina Mark Herras at Jennylyn Mercado dahil kahapon lang namin sinulat na magkaaway sila at nawalan na ng respeto sa isa’t isa ay heto, magkabati na uli sila.

Nung Thursday night din nagkaayos kaagad sina Mark at Jen at ayon mismo sa singer/actress ay okey na sila ni Mark at nangako itong lilinisin niya ang pangalan ng ex-girlfriend sa interview niya ngayong Sabado sa Startalk.

Nauna nang na-interview si Mark sa radio program ng katotong Jun Lalin, Ogie Diaz at Ms F kahapon at inamin nga ng aktor na may mga hindi sila pinagka-unawaan ng dalaga, ‘yun nga lang, itinanggi niyang binabalikan niya ito at kaibigan lang daw ang turing niya.

Dininay din ni Mark ang relasyon niya kay Katrina Halili, never daw na naging sila at ayaw din niya ng away kaya walang gulong magaganap sa pagitan nila ng boyfriend ngayon ni Jen na si Patrick Garcia.
* * *
Right after the Loving Ara @15 concert ni Ara Mina sa February 3, Araneta Coliseum ay magkakaroon sila ng meeting ng buong pamilya niya including his dad, Chuck Mathay at lolo na si Ysmael Mathay para sa kandidatura niya sa distrito ng Quezon City.

Kung si Ara ang masusunod ay ayaw niyang tumakbo sa darating na eleksyon dahil magulo at baka lagyan ng intriga at nakakatulong naman daw siya sa mga needy maski na wala siya sa politics.

Kaso kung pamilya na raw niya ang magdidesisyon ay wala siyang choice kundi sumunod at ayaw din niyang ipahiya ang mga nag-aalok na ng tulong, "Pero, pag-iisipan ko pang mabuti, huh," sambit ng singer/actress. — REGGEE BONOAN

vuukle comment

ARA MINA

ARANETA COLISEUM

CHUCK MATHAY

JAKE CUENCA

JENNYLYN MERCADO

JUN LALIN

KATRINA HALILI

KITKAT

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with