Laurice Guillen at mga anak, lalabas sa The Glass Menagerie ng Tanghalang Ateneo
January 18, 2007 | 12:00am
Nagbabalik sa tanghalan si Laurice Guillen matapos ang maraming taon ng pagiging aktres at direktor. Gaganap ito ng isang mahalagang role sa stage adaptation ng Tanghalang Ateneo ng The Glass Menagerie, tungkol sa magulong relasyon ng isang ina at ng kanyang anak na babae mula sa pagkakasalaysay ng anak at kapatid na lalaki.
Makakasama ni Laurice sa palabas ang kanyang dalawang anak na babae, sina Ana at Ina Feleo na magkakahaliling gagampanan ang role ni Laura Wingfield, anak ng role na gagampanan ni Laurice.
Makakasama sa palabas sina Ronan Cainding at Jake de Leon, Arnold Reyes at Randy Villarama.
Mapapanood ang The Glass Menagerie sa Rizal mini theater, Ateneo de Manila University sa Jan. 18-20, Jan. 25-27. Feb. 1-3, Feb. 8-10, 7NG, 2NH tuwing Sabado. Tumawag sa 4266001 loc. 5121 o 09065026384 para sa tiket.
Ang Digital Viva productions na Tuli ay ipalalabas sa 2007 Sundance Film Festival Jan. 18-28 sa Sundance sa Salt Lake City, Ogden, Utah. Mapapanood ito sa out-of-competition Spectrum Section ng Sundance bilang tribute sa lumalagong creative spirit sa independent filmmaking. Ito ay sinulat ni Jimmy Flores at nasa direksyon ni Aureaus Solito. Pinangungunahan nina Desiree del Valle, Carlo Aquino, Vanna Garcia at Bembol Roco.
Ikalawang beses na ito ni Solito na makasali sa Sundance. Unang pagkakataon niya ay para sa pelikulang Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros na nanalo ng 14 awards. Entry ito ng bansa sa Academy Awards sa susunod na taon at nominado sa Best Foreign Film ng Independent Spirit Awards sa Los Angeles.
Ang Tuli ay naging opening film sa 2006 ImagineNATIVE Film Festival sa Toronto, Canada at imbitado sa San Francisco International Film festival.
Magbibigay ng audition ang Atlantis Productions para sa Broadway musical na Avenue Q na ipalalabas sa Maynila sa buwan ng Agosto. Ang Avenue Q ay nanalo sa 2004 Tony Awards para sa Best New Musical, Best Book of a Musical at Best Original Score.
Lahat ng interesado ay maghanda ng musical theater song (16 bars only), magdala ng piano score o minus one at isang current photo. Magaganap ang audition sa Peb. 10, 11NU-5NH (sign-up begins at 10:30NU), Ground Floor, Open Bldg., 349 Sen. Gil Puyat Ave., Makati City.
Ang Avenue Q ay nasa direksyon ni Bobby Garcia at Chari Arespacochaga at magsisimulang mapanood sa Meralco Theater sa Agosto 17.
[email protected]
Makakasama ni Laurice sa palabas ang kanyang dalawang anak na babae, sina Ana at Ina Feleo na magkakahaliling gagampanan ang role ni Laura Wingfield, anak ng role na gagampanan ni Laurice.
Makakasama sa palabas sina Ronan Cainding at Jake de Leon, Arnold Reyes at Randy Villarama.
Mapapanood ang The Glass Menagerie sa Rizal mini theater, Ateneo de Manila University sa Jan. 18-20, Jan. 25-27. Feb. 1-3, Feb. 8-10, 7NG, 2NH tuwing Sabado. Tumawag sa 4266001 loc. 5121 o 09065026384 para sa tiket.
Ikalawang beses na ito ni Solito na makasali sa Sundance. Unang pagkakataon niya ay para sa pelikulang Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros na nanalo ng 14 awards. Entry ito ng bansa sa Academy Awards sa susunod na taon at nominado sa Best Foreign Film ng Independent Spirit Awards sa Los Angeles.
Ang Tuli ay naging opening film sa 2006 ImagineNATIVE Film Festival sa Toronto, Canada at imbitado sa San Francisco International Film festival.
Lahat ng interesado ay maghanda ng musical theater song (16 bars only), magdala ng piano score o minus one at isang current photo. Magaganap ang audition sa Peb. 10, 11NU-5NH (sign-up begins at 10:30NU), Ground Floor, Open Bldg., 349 Sen. Gil Puyat Ave., Makati City.
Ang Avenue Q ay nasa direksyon ni Bobby Garcia at Chari Arespacochaga at magsisimulang mapanood sa Meralco Theater sa Agosto 17.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended