Billy, nagkasakit sa Pinas
January 15, 2007 | 12:00am
Nagkasakit si Billy Crawford nung pumunta sila ng mommy at manager niya sa Boracay.
Masama na kasi ang pakiramdam niya nang papunta palang sila, kaya ayun natuluyan siyang magkasakit. Pero pinilit pa rin ni Billy ang sarili para di masira ang kanilang lakad.
Pagkatapos ay tumuloy silang tatlo sa Tagaytay dahil gustong makita ni Billy ang Taal Volcano.
Bukas, Martes ay aalis na ito patungong US.
Pero kung gusto nyo siyang makita ng personal at makasalamuha ay maari kayong pumunta mamayang 5:00 pm sa Eastwood dahil isasama na ang kanyang pangalan sa Walk of Fame sa Libis.
Malaki ang ginawang pagbabago ng dalawang higanteng network ngayon sa kani-kanilang station.
Katulad ng Kapuso Network na sisimulan ngayong gabi ang bagong tambalan nila Robin Padilla at Angel Locsin na Asian Treasures. Susundan ito ng Lupin ni Richard Gutierrez at marami pang iba.
Siyempre ang ginawang pagbabago ng GMA ay upang mabigyan pa ng mas magagandang palabas ang ating mga manonood. Ang patuloy na pagsisikap ng Kapuso na magkaroon ng dekalidad na palabas ay para maihatid ang bagong putahe at mapasaya pa ang kanilang manonood.
Ganundin ang hangad ng ABS-CBN sa kanilang viewers.
Ang planong pagsasapribado ng Channel 9 at Channel 13 ay magdadagdag ng magandang laban sa mga TV networks.
Magandang balita rin ito sa ating mga artista dahil ibig sabihin ay magkakaroon sila ng karagdagang trabaho.
Nakakalungkot ang balitang pumanaw na ang ina ni Chin Chin Gutierrez nung Biyernes ng gabi, pagkatapos niya itong isalba bago mag-Pasko nang masunog ang kanilang bahay.
Ganun talaga ang buhay. Nasa kamay na ito ng Panginoon ngayon. Chin-Chin, tibayan mo ang loob mo. Alam nating lahat na ang sakit ng kalooban at pagsubok na dumarating sa atin ay may magandang kapalit.
Sana pagkatapos ng lahat ay mabilis na makabalik si Chin Chin sa kanyang trabaho na alam naman nating kung gaano siya kahusay na aktres.
Masama na kasi ang pakiramdam niya nang papunta palang sila, kaya ayun natuluyan siyang magkasakit. Pero pinilit pa rin ni Billy ang sarili para di masira ang kanilang lakad.
Pagkatapos ay tumuloy silang tatlo sa Tagaytay dahil gustong makita ni Billy ang Taal Volcano.
Bukas, Martes ay aalis na ito patungong US.
Pero kung gusto nyo siyang makita ng personal at makasalamuha ay maari kayong pumunta mamayang 5:00 pm sa Eastwood dahil isasama na ang kanyang pangalan sa Walk of Fame sa Libis.
Katulad ng Kapuso Network na sisimulan ngayong gabi ang bagong tambalan nila Robin Padilla at Angel Locsin na Asian Treasures. Susundan ito ng Lupin ni Richard Gutierrez at marami pang iba.
Siyempre ang ginawang pagbabago ng GMA ay upang mabigyan pa ng mas magagandang palabas ang ating mga manonood. Ang patuloy na pagsisikap ng Kapuso na magkaroon ng dekalidad na palabas ay para maihatid ang bagong putahe at mapasaya pa ang kanilang manonood.
Ganundin ang hangad ng ABS-CBN sa kanilang viewers.
Ang planong pagsasapribado ng Channel 9 at Channel 13 ay magdadagdag ng magandang laban sa mga TV networks.
Magandang balita rin ito sa ating mga artista dahil ibig sabihin ay magkakaroon sila ng karagdagang trabaho.
Ganun talaga ang buhay. Nasa kamay na ito ng Panginoon ngayon. Chin-Chin, tibayan mo ang loob mo. Alam nating lahat na ang sakit ng kalooban at pagsubok na dumarating sa atin ay may magandang kapalit.
Sana pagkatapos ng lahat ay mabilis na makabalik si Chin Chin sa kanyang trabaho na alam naman nating kung gaano siya kahusay na aktres.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended