^

PSN Showbiz

Si Janno pala ang dahilan ng pag-alis ni Gladys sa EB!

-
Sa nalalapit na presscon ng Magic Kamison ni Gladys Guevarra ay aaminin niya kaya na si Janno Gibbs ang tunay na dahilan kaya siya nag-resign sa Eat Bulaga?

Sitsit sa amin ng taga-EB ay hindi na raw makayanan ni Gladys ang trato sa kanya ng ‘husband’ ni Bing Loyzaga dahil binabalewala siya.

"Akala kasi ni Gladys, seseryosohin siya ni Janno. E, di mas lalong pinagtawanan si Janno ni Bing?

"Marami na kasing away ang dalawang ‘yan, hindi lang nasusulat. ‘Yung pasalubong ni Gladys kay Janno na Hello Kitty nung galing siya ng Japan, nakitang ibinigay lang sa iba, syempre super hurt ang lola mo, e, ang mahal kaya nun sa Japan.

"Tapos ang huling isyu, itong Europe tour ni Janno, e, ka-join pala si Cristine Reyes with Ara (Mina) na matagal nang pinagseselosan ng lola Gladys mo, hayun, nabaliw ang lola, nag-resign," eksaktong kwento sa amin.
* * *
For the nth time ay muling nag-text sa amin ang hindi namin kilalang numero informing us na nakita na namang nasa Decades Bar ang StarStruck Avenger na si Vivo Ouanno at madaling araw na kung umuwi at super lasing kasama ang barkada.

Ayun sa text messages sa amin ay, "Bukod sa barkada niya, may kasamang bading na medyo maganda at sweet si Vivo ro’n. Okey lang daw na umagahin siya sa pag-uwi dahil wala naman siyang trabaho the following day."

Kung hindi kami nagkakamali ay naisulat na namin ito at mega-deny si Vivo pero this time, nung tanungin siya ng kanyang manager na si John Fontanilla ay inamin nga nito na nagpunta siya sa Decades Bar pero hindi naman daw siya nalasing.
* * *
Package deal ba sina Geoff Eigenmann at Nikki Gil?

Kaya namin ito naitanong ay pansin naming parating magkasama ang dalawa sa iisang show o sa tv guestings. Ang alam namin ay magka-iba naman sila ng talent manager dahil Genesis ang nagma-manage kay Nikki at taga-GMA 7 naman ang kay Geoff?

Kasama ang dalawa sa Wakwak ng Wakwak episode ngayong hapon sa Komiks Presents: Pedro Penduko ni Matt Evans with Ryan Eigenmann, John Arcilla at Carmi Martin na siyang makakalaban ng bida.
* * *
Inamin sa amin ng taga-Blog na pina-edit out ni Bianca Gonzales ang portion ng interview niya na nagsalita na siya tungkol sa real score nila ni Zanjoe Marudo.

Isa kami sa nabigyan ng press release na abangan ang no holds barred interview na ito ni Bianca sa nasabing programa dahil for once and for all ay magsasalita na siya.

Pero laking gulat daw ng taga-Blog nang biglang hilingin ng host ng Y-Speak na alisin ang Zanjoe part dahil hindi siya kumportable and for personal reason.

Ayaw naming isiping pinagbawalan siya ng ex-boyfriend niyang si Lino Cayetano dahil wala na naman silang pakialamanan.

"Baka hoping pa ring balikan siya, pero malabo na talaga," tsika sa amin ng taga-Dos.

Anyway, birthday daw ng brother ni Bianca kaya siya lilipad patungong US, pero ang say naman sa amin mismo ng taga-Dos ay, "She needs a break because she’s mending a broken heart."— Reggee Bonoan

vuukle comment

AMIN

BIANCA

BIANCA GONZALES

BING LOYZAGA

BLOG

DECADES BAR

GLADYS

JANNO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with