Billy Crawford, sama na sa Walk of Fame
January 13, 2007 | 12:00am
Mabilis na mabilis ang sagot sa amin ni Lotlot de Leon nang tanungin namin doon sa anniversary celebration ng Thats Entertainment sa Walang Tulugan, kung sa tingin ba niya may iba pang tv show na makakatulad ang kanilang afternoon program noong araw.
Ang sagot niya "Wala". Sinabi rin niyang mahirap magaya ang Thats.
Talagang mahirap mo gayahin ang Thats Entertainment.
Nagsimula yan sa 16 na kabataan, na bagamat ang iba ay may pangalan na rin naman kahit na papaano, ang higit na nakararami ay hindi pa kilala ng publiko.
Ang binangga nila noon ay yong Big Big Show na ang nasa cast ay lahat ng malalaking artista noong panahong iyon. Hindi nagtagal, pinataob ng Thats ang kalaban. Natural mag-iisip din naman ng mga panlaban ang mga ibang networks, pero walang tumalo sa Thats hanggang sa itinigil iyon sa kagustuhan na rin ng ilang executives ng network nila mismo na ang ratings ay nasa 12% pa rin, after 10.
Sumikat sa Thats ang maraming malalaking artista, kasama na iyang si Lea Salonga, Francis Magalona, Sunshine Cruz, Ruffa Gutierrez, Manilyn Reynes, Shirley Fuentes, Judy Ann Santos, at marami pang iba, kabilang na ang number one ngayon sa Europe na si Billy Crawford. Dito sa atin, sinasabi ngang 1/3 ng lahat ng mga box office stars galing sa Thats.
Sa Thats din sumikat si Vice Governor Jestoni Alarcon, Councilor Isko Moreno, Councilor Robert Ortega, at iba pang naging matatagumpay ding pulitiko.
Naging training ground nga kasi iyang Thats Entertainment, at ngayon ang bunga niyan ay pinakikinabangan ng lahat ng mga major television networks at maging ng mga kumpanya ng pelikula.
This week mapapanood pa rin sa Walang Tulugan ang karugtong ng anniversary celebration ng Thats Entertainment.
Sa Lunes, Enero 15, madadagdag sa Walk of Fame diyan sa Eastwood ang pangalan ni Billy Crawford. Mag-isa lang siyang mag-uunveil ng kanyang tile. Kasi sinasamantala naman ni Kuya Germs na narito siya para personal na mag-unveil ng kanyang tile sa Walk of Fame.
Yang si Billy, dapat namang makasama riyan, isipin mo number one siya sa Europe at nakagawa pa ng pelikulang ingles na siya talaga ang bida. Kaya kung gusto ng mga fans na makita si Billy Crawford, sa Eastwood iyon, sa Lunes, alas 5NH.
Ang tsismis, yon daw mga gulo ng isang female bold star ay talagang sinasadya, para mailayo sa tunay na tsismis na siya ay may boyfriend ngayong DOM na nakabuntis sa kanya. Wala nga namang glamour na mabalitang isang DOM na 62 years old pa ang makakabuntis sa kanya, kaya pilit niya iyong tinatakpan ng kung anu-anong issues.
Ang sagot niya "Wala". Sinabi rin niyang mahirap magaya ang Thats.
Talagang mahirap mo gayahin ang Thats Entertainment.
Nagsimula yan sa 16 na kabataan, na bagamat ang iba ay may pangalan na rin naman kahit na papaano, ang higit na nakararami ay hindi pa kilala ng publiko.
Ang binangga nila noon ay yong Big Big Show na ang nasa cast ay lahat ng malalaking artista noong panahong iyon. Hindi nagtagal, pinataob ng Thats ang kalaban. Natural mag-iisip din naman ng mga panlaban ang mga ibang networks, pero walang tumalo sa Thats hanggang sa itinigil iyon sa kagustuhan na rin ng ilang executives ng network nila mismo na ang ratings ay nasa 12% pa rin, after 10.
Sumikat sa Thats ang maraming malalaking artista, kasama na iyang si Lea Salonga, Francis Magalona, Sunshine Cruz, Ruffa Gutierrez, Manilyn Reynes, Shirley Fuentes, Judy Ann Santos, at marami pang iba, kabilang na ang number one ngayon sa Europe na si Billy Crawford. Dito sa atin, sinasabi ngang 1/3 ng lahat ng mga box office stars galing sa Thats.
Sa Thats din sumikat si Vice Governor Jestoni Alarcon, Councilor Isko Moreno, Councilor Robert Ortega, at iba pang naging matatagumpay ding pulitiko.
Naging training ground nga kasi iyang Thats Entertainment, at ngayon ang bunga niyan ay pinakikinabangan ng lahat ng mga major television networks at maging ng mga kumpanya ng pelikula.
This week mapapanood pa rin sa Walang Tulugan ang karugtong ng anniversary celebration ng Thats Entertainment.
Yang si Billy, dapat namang makasama riyan, isipin mo number one siya sa Europe at nakagawa pa ng pelikulang ingles na siya talaga ang bida. Kaya kung gusto ng mga fans na makita si Billy Crawford, sa Eastwood iyon, sa Lunes, alas 5NH.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended