^

PSN Showbiz

Sobra-sobra ang kissing, lovescenes nina Richard, Angel sa ‘The Promise’!

- Veronica R. Samio -
Tanggap na ba ng fans sina Richard Gutierrez at Angel Locsin sa mature roles? Ito ang gustong malaman ng GMA Films na muli ay nakipagsanib ng pwersa sa Regal Entertainment para sa paggawa ng kanilang Valentine movie na The Promise.

Ang The Promise ay isang adaptation ng romance classic na The Wuthering Heights ni Emily Bronte na unang ginawa ng Reyna Films nung 90’s at nagtampok kina Richard Gomez at Dawn Zulueta. Walang nakapanood nito ang hindi magsasabing isa yun sa pinaka-magandang pelikula na napanood nila, romantic, sexy and very daring!

Si Raquel Villavicencio ang sumulat ng Hihintayin at maging ng The Promise ngayon pero ginawa niyang malaki ang pagkakaiba ng dalawang pelikula, una ay baka mabigla ang mga manonood sa biglang kambyo nina Angel at Richard sa kanilang mga roles. Meron din silang maraming halikan at lovescenes sa makabagong adaptation at sa mga unang eksenang nakunan ay talagang marami ang bumilib dahil bukod sa napakalakas ng chemistry nila ay parang komportable sila sa kanilang maseselang eksena, walang ilangan at lalong walang hiyaan.

"Mas bata sina Richard at Angel kaya medyo iniba ko ang atake para hindi naman sila mabigla at bumagay ang role sa kanila. Pero hindi na sila pa-tweetums dito at napaka-mature na ng level of acting at characterization nila," ani Raquel.

Ayon sa mga nakapanood ng mga unang shoot, parang sabik na sabik daw ang dalawa sa kanilang halikan. Ang isang halik ni Angel kay Richard ay katumbas ng 10 halikan.
* * *
Maraming mga artista ang naging bahagi ng Price is Light ng Meralco, isang series of events na nagtampok sa mga game booths sa mga SM Malls na ang layunin ay turuan ang publiko sa mga nakapaloob sa kanilang Meralco bills at pagbasa ng electric meter. Naglagay sila ng mga giant Meralco bills and meter dials sa mga nasabing lugar para mas madaling maturuan ang publiko ng pagbasa ng kilowatt consumption. Naglagay din ng Meralco Appliance Calculator (MAC) para malaman ng tao kung paano mag-compute at madaling maintindihan ang kanilang Meralco bills.

Nagsilbing host ng event si Winnie Cordero at ganundin sina Ogie Diaz, Roxanne Barcelo sa SM Fairview, Sam Concepcion at Ketchup Eusebio sa SM North Edsa, AJ Dee at Toni Gonzaga sa SM Marilao, Dominic Ochoa at Chocoleit sa SM Sucat at Pokwang at Kitkat sa SM Bacoor.

May Price is Light din na magaganap sa SM Megamall, Jan. 19; Feb. 10, SM San Lazaro; Feb. 17, SM Bicutan at Feb. 25, SM Southmall.
* * *
[email protected]

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

DAWN ZULUETA

DOMINIC OCHOA

EMILY BRONTE

FEB

KETCHUP EUSEBIO

MERALCO

MERALCO APPLIANCE CALCULATOR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with