^

PSN Showbiz

Bossa Nova Princess

-
Limang buwan lang ang pagitan nang ilunsad ng Ivory Music ang first album ni Sofia, their Bossa Nova Princess at ang kanyang second album na pinamagatang "Sofia, In Love with Nova Bossa". In short, may demand sa market ang Brazilian music at okay sa madla ang pagbibigay buhay sa mga ito ni Sofia.

Sa mga publicity still at album covers ay hindi pinaghihiwalay ang gitara at si Sofia. Bata pa lang si Sofia ay pagtugtog ng gitara ang kanyang binalingan at never siyang nag-aspire na maging recording artist. Aksidente lang kaya siya naging singer. Pinag-research siya ng materials na ipalalaman sa album at siya ang nagsaplaka sa demo. Mainam ang kinalabasan kung kaya’t hindi na naghanap pa ng ibang singer ang Ivory.

Med-tech ang natapos ni Sofia sa UST. Kamakailan ay nagbitiw siya sa kanyang trabaho as medical technologist to devote her time to singing. She discovered that singing is indeed a full-time job.

Tampok sa bago niyang CD ang mga sumusunod na Latin songs: "Flasa Baiana", "So Nice (Samba de Verao)", "So Em Teus Bracos", "Moro Na Roca (festive dance remix)" and Brazilian inspired cuts tulad ng "You Are The Sunshine Of My Life", "I’ll Never Fall In Love Again", "Night and Day", "I’ll Take Care of You", "What A Wonderful World" and so many more.

Also out in the market ang double CD ni Sofia na kung saan ipinalaman ang mga awiting itinampok sa unang CD kasama ng mga songs sa pangalawang album. — Remy M. Umerez

BOSSA NOVA PRINCESS

FLASA BAIANA

IN LOVE

IVORY MUSIC

MORO NA ROCA

NEVER FALL IN LOVE AGAIN

NIGHT AND DAY

NOVA BOSSA

REMY M

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with