^

PSN Showbiz

Marky, marunong umarte!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Kahit natsugi na sa Bakekang si Marky Cielo bilang mangingibig ni Lovi Poe ay masaya naman ito dahil kasama naman siya sa Asian Treasures.

"Malaking tulong ang naibigay sa akin ng paglabas sa Bakekang dahil sinasabi nilang may ibubuga ako sa acting. Kaya naman pinagtiwalaan ako ng Siete na gampanan ang papel ni Mateo sa bagong teleserye kung saan markado ang role nito. Half brother siya ni Hector (Marvin Agustin) na naging miyembro ng bukas-kotse at akyat bahay gang.
Marvin Sasabak Naman Sa Aksyon
Sasabak si Marvin Agustin sa aksyon kung saan may springboat chase sila at mga pasabog sa dagat. Kahit may delikadong stunts ay enjoy siya sa role.
Glaiza, Natupad Ang Pangarap Kay Angel
Noon pa man ay pinaghahambing na sina Glaiza de Castro at ang paborito niyang si Angel Locsin.

Ano ang reaksyon niya ngayong kasama niya ito sa Asian Treasures?

"Dream come true, Tita dahil first project ko pa lang sa Gma ay puro malalaking artista ang kasama ko. Sobrang tuwa ko dahil parang long lost sister ko si Angel. Pag inihahambing kami sa isa’t isa, sobrang thankful ako dahil isa itong compliment para sa akin. Pero syempre gusto ko namang magkaroon ng sariling identity," sey ng magandang aktres. >
BLIND ITEM: Tuloy Pa Rin Ang Pagdi-Deny Ng 2 Celebrities
Nagtataka kami kung bakit pilit na itinatanggi ng sikat na aktor ang tunay na dahilan kung bakit sila nagkahiwalay ng sikat na nobyang aktres. Ayaw maniwala ng iba na may kinalaman sa break-up ng dalawa ang isang aktres. Paano raw mangyayari yun gayung may nobyo na ang aktres at maligaya ito sa piling ng kanyang mahal.

Ilan na ang source naming manunulat din ang nagsasabing may nakakita sa tatlong celebrities sa isang pamosong gimikan sa The Fort at ang isa’y sa Makati.

Unang scenario ayon sa source ay nakita nilang nagyayakapan ang ex-dyowa ng sikat na aktres na tatawagin nating si A at si Aktres B na may dyowa ring iba.

Ikalawang scenario, ayon naman sa kaibigang manunulat ay nakita rin ang dalawa sa isang bar sa Makati kung saan hinahalikan ni aktor ang leeg ni aktres B.

Sabi nga ng isang taga-showbiz ay bakit dun pa sila pupunta at gagawa ng milagro gayung dinarayo ito ng maraming tao lalo na ng mga celebrities na mahilig gumimik kung gabi. Tapos kapag nakita sila ay tigas naman ng kadi-deny, di ba? Ang masama pa, ibabagsak ang sisi ng aktor sa ex-gf at sasabihing kulang kasi siya ng time dahil sa pagiging abala sa maraming trabaho, kaya naghiwalay.

AKTRES

AKTRES B

ANGEL LOCSIN

ASIAN TREASURES

BAKEKANG

GLAIZA

KAHIT

LOVI POE

MARVIN AGUSTIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with