Laging nakaalalay ang nanay: Alfred, di pa nakaka-score kay LJ
January 8, 2007 | 12:00am
Sa New York nagpalipas ng Bagong Taon ang mag-sweetheart na sina LJ Reyes at Alfred Vargas, pero pinabulaanan ng aktor ang balitang siya ang bumili ng plane ticket ng nobya bilang Christmas gift sa actress.
"Green card holder si LJ at ang mommy niya ang bumili ng ticket at nauna siyang umalis patungong New York at sumunod na lang ako sa kanya. May nagtatanong nga sa akin kung dun ako tumuloy sa bahay nila kaya magkatabi na kami sa pagtulog. Dun ako tumuloy sa isang hotel malapit sa kanilang tinitirhan at lagi niyang kasama ang kanyang mommy kahit pagtungo sa Florida para bisitahin ang Disney World," aniya.
Nagsimula nang magteyping ang magnobyo para sa Makita Ka Lang Muli.
Nakakwentuhan ko si Polo Ravales sa Parade of Stars na ginanap noong Enero 2 mula SM Megamall hanggang Araneta Center.
Kinumusta ko ang kanilang Kapaskuhan ni Ara Mina.
"Masaya po ako Tita dahil kapiling ko siya this Holiday Season. Noong December 24 ay nagpunta kami ng pamilya ko sa kanyang bahay at dun kami nag-Noche Buena. Noong araw ng Pasko ay ang pamilya naman ni Ara ang nagpunta sa aming bahay para magsalu-salo kaming lahat," anang aktor.
Binigyan ni Polo si Ara as Christmas gift ng isang Lacoste bag at siya naman ay binigyan ng nobya ng Lacoste shoes.
Naghahanda na si Ara sa kanyang gagawing concert sa Araneta Coliseum sa February 3 kung saan ang malilikom na pera ay mapupunta sa kanyang Ara Mina Foundation na tumutulong sa mga kapuspalad, pagalingin ang mga batang may ibat ibang karamdaman at makapagpadala din ng tulong sa mga biktima ng bagyong Reming sa Albay, Bicol.
Magdaraos na ng kanyang debut si Yasmien Kurdi kaya excited na siya pero hindi bongga ang magiging selebrasyon. Mas type niyang mag-swimming party na lang kasama ang mga malalapit na kaibigan.
Maganda ang takbo ng career ngayon ni Yasmien dahil nakilala siya nang husto sa Bakekang. Dito niya naipamalas na may ibubuga talaga siya sa akting laluna sa drama.
Natupad na rin nito ang pinakamahalagang regalo sa kaarawan at ito ang pagkakaroon ng second album. First love niya ang singing at enjoy kapag kumakanta.
Personal: Pakikiramay kay Bong Iglesia at pamilya nito sa San Diego, California dahil sa pagyao ng kanilang pinakamamahal na ama.
"Green card holder si LJ at ang mommy niya ang bumili ng ticket at nauna siyang umalis patungong New York at sumunod na lang ako sa kanya. May nagtatanong nga sa akin kung dun ako tumuloy sa bahay nila kaya magkatabi na kami sa pagtulog. Dun ako tumuloy sa isang hotel malapit sa kanilang tinitirhan at lagi niyang kasama ang kanyang mommy kahit pagtungo sa Florida para bisitahin ang Disney World," aniya.
Nagsimula nang magteyping ang magnobyo para sa Makita Ka Lang Muli.
Kinumusta ko ang kanilang Kapaskuhan ni Ara Mina.
"Masaya po ako Tita dahil kapiling ko siya this Holiday Season. Noong December 24 ay nagpunta kami ng pamilya ko sa kanyang bahay at dun kami nag-Noche Buena. Noong araw ng Pasko ay ang pamilya naman ni Ara ang nagpunta sa aming bahay para magsalu-salo kaming lahat," anang aktor.
Binigyan ni Polo si Ara as Christmas gift ng isang Lacoste bag at siya naman ay binigyan ng nobya ng Lacoste shoes.
Naghahanda na si Ara sa kanyang gagawing concert sa Araneta Coliseum sa February 3 kung saan ang malilikom na pera ay mapupunta sa kanyang Ara Mina Foundation na tumutulong sa mga kapuspalad, pagalingin ang mga batang may ibat ibang karamdaman at makapagpadala din ng tulong sa mga biktima ng bagyong Reming sa Albay, Bicol.
Maganda ang takbo ng career ngayon ni Yasmien dahil nakilala siya nang husto sa Bakekang. Dito niya naipamalas na may ibubuga talaga siya sa akting laluna sa drama.
Natupad na rin nito ang pinakamahalagang regalo sa kaarawan at ito ang pagkakaroon ng second album. First love niya ang singing at enjoy kapag kumakanta.
Personal: Pakikiramay kay Bong Iglesia at pamilya nito sa San Diego, California dahil sa pagyao ng kanilang pinakamamahal na ama.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended