Billy susubok ng career sa Pilipinas
January 8, 2007 | 12:00am
Belated happy birthday kay megastar Sharon Cuneta. Hindi lang alam ni Sharon pero nami-miss na namin siya.
Pasensiya na pero, hindi ko siya nagawang batiin sa mismong araw ng kanyang kaarawan dahil hindi ko na alam ang contact number niya. Nahihirapan akong hagilapin siya at kailangan ko pang dumaan sa ibang tao bago ko maiparating ang mensahe ko sa kanya.
Ganito lang siguro ang nararamdaman ng tatay mo Shawie. Alam mo namang hindi ganun kadaling kalimutan ang pinagsamahan natin.
Natapos na ang 2006 Metro Manila Film Festival. As usual, hindi pa rin natatapos ang sentimyento, ang kaguluhan at ang kanya-kanyang reaksyon.
Nakakalungkot ang ganitong senaryo tulad ng sinabi ng Star Cinema na hindi na sila nagpa-participate sa festival.
Kung bakit kasi hindi na lang ipamahala ang festival sa mga mismong taga-showbiz.
Marami kasi ang nakikialam, pumapapel na hindi naman eksperto sa kalakaran ng showbiz. Dapat na sigurong ihiwalay ang showbiz - kung showbiz ay showbiz at pulitika kung pulitika ang linya.
Ang tanong tuloy ng marami, kung ang mga taga-showbiz ba ay binabayaran ng mga pulitikong ito. Sino ba talaga ang gumagamit, ang mga taga-showbiz ba o ang mga pulitiko?
Nag-celebrate ng anibersaryo ang Thats Entertainment sa Walang Tulugan show. Salamat sa lahat ng dumalo sa taunang reunion ng Thats.
Ganun talaga, mahirap makumpleto. Una, ang imbitasyon ay ginawa ko lamang sa pamamagitan ng panawagan sa radyo.
Kung gaano pa naman ka-hi-tech ngayon tulad ng celfone na yan, kaya lang kahit isang numero ng mga alaga ko wala ako. Mano ba namang sabihin nila Oh tay kapag kailangan mo ako ito ang contact no. ko! nang hindi ako nahihirapan na tawagan sila pag nagbago sila ng mga numero.
Ganunpaman, nagsimula ang Thats nong 1986 at nagkataon na tumama ito sa araw ng Sabado. Kung nagtuluy-tuloy sana ang programa ay ika-21 taon na ito ngayon.
Mabuti na lang ay nandito si Billy Crawford at nakisaya sa kanyang mga dating ka-miyembro.
Imagine nung nagsimula si Billy sa show, four yrs old pa lamang ito na siyang pinakabunso sa lahat.
Babalik na agad si Billy sa US para sa ginagawa nitong album at sa negosasyon ng movie na gagawin niya sa Amerika. At kung sakaling hindi ito matuloy babalik si Billy sa bansa upang tingnan ang kanyang kapalaran sa local showbiz.
Cute na cute ako sa pelikulang Kasal, Kasali Kasalo nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.
Talagang bagay na bagay ang dalawa sa likod at harap ng kamera. Nakakatuwa silang panoorin. Sulit ang bayad mo at hindi masasayang ang oras mo sa panonood ng kanilang pelikula. Nandiyang iiyak at matatawa ka sa movie.
Ganitong pelikula ang hinahanap ng tao. Hindi kailangan ang anumang gimik, intriga o magic para dumugin ang movie sapat na ang makuha ang panlasa ng Pinoy tulad ng pelikulang Kasal...
Again congrats sa movie at sa lahat ng bumubuo nito. Naway maraming ganitong pelikula ang mapanood natin.
Pasensiya na pero, hindi ko siya nagawang batiin sa mismong araw ng kanyang kaarawan dahil hindi ko na alam ang contact number niya. Nahihirapan akong hagilapin siya at kailangan ko pang dumaan sa ibang tao bago ko maiparating ang mensahe ko sa kanya.
Ganito lang siguro ang nararamdaman ng tatay mo Shawie. Alam mo namang hindi ganun kadaling kalimutan ang pinagsamahan natin.
Nakakalungkot ang ganitong senaryo tulad ng sinabi ng Star Cinema na hindi na sila nagpa-participate sa festival.
Kung bakit kasi hindi na lang ipamahala ang festival sa mga mismong taga-showbiz.
Marami kasi ang nakikialam, pumapapel na hindi naman eksperto sa kalakaran ng showbiz. Dapat na sigurong ihiwalay ang showbiz - kung showbiz ay showbiz at pulitika kung pulitika ang linya.
Ang tanong tuloy ng marami, kung ang mga taga-showbiz ba ay binabayaran ng mga pulitikong ito. Sino ba talaga ang gumagamit, ang mga taga-showbiz ba o ang mga pulitiko?
Ganun talaga, mahirap makumpleto. Una, ang imbitasyon ay ginawa ko lamang sa pamamagitan ng panawagan sa radyo.
Kung gaano pa naman ka-hi-tech ngayon tulad ng celfone na yan, kaya lang kahit isang numero ng mga alaga ko wala ako. Mano ba namang sabihin nila Oh tay kapag kailangan mo ako ito ang contact no. ko! nang hindi ako nahihirapan na tawagan sila pag nagbago sila ng mga numero.
Ganunpaman, nagsimula ang Thats nong 1986 at nagkataon na tumama ito sa araw ng Sabado. Kung nagtuluy-tuloy sana ang programa ay ika-21 taon na ito ngayon.
Mabuti na lang ay nandito si Billy Crawford at nakisaya sa kanyang mga dating ka-miyembro.
Imagine nung nagsimula si Billy sa show, four yrs old pa lamang ito na siyang pinakabunso sa lahat.
Babalik na agad si Billy sa US para sa ginagawa nitong album at sa negosasyon ng movie na gagawin niya sa Amerika. At kung sakaling hindi ito matuloy babalik si Billy sa bansa upang tingnan ang kanyang kapalaran sa local showbiz.
Talagang bagay na bagay ang dalawa sa likod at harap ng kamera. Nakakatuwa silang panoorin. Sulit ang bayad mo at hindi masasayang ang oras mo sa panonood ng kanilang pelikula. Nandiyang iiyak at matatawa ka sa movie.
Ganitong pelikula ang hinahanap ng tao. Hindi kailangan ang anumang gimik, intriga o magic para dumugin ang movie sapat na ang makuha ang panlasa ng Pinoy tulad ng pelikulang Kasal...
Again congrats sa movie at sa lahat ng bumubuo nito. Naway maraming ganitong pelikula ang mapanood natin.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended