^

PSN Showbiz

Marunong lumingon sa nakaraan

-
Bihirang makita sa mga sosyalan ng showbiz si Azenith Briones, isang dating artista. Palagi kasi itong nasa kanilang farm ng kanyang loving husband, si El Rey Reyes, sa San Pablo City. Happy na si Azenith sa kanyang buhay kaya hindi na naiisipan pang mag-comeback sa movies.

‘‘Apat na lalaki ang naging anak ko. Sa kanila lang, kulang na ang panahon ko," sabi niya.

May anak siya si Jordan Reyes, bagets na bagets at pwedeng mag-artista. Pero, pag-aaral ang inaatupag nito.

Noong birthday nga ng husband niyang si El Rey, naging katulong niya sa pag-istima sa mga bisita ang anak niyang si Jordan.

Noong burol ng kaibigan naming editor na si Franklin Cabaluna, dumating si Azenith. Iilan lamang ang mga artistang nakaalala sa namatay. Natatandaan ni Azenith, tuwing may pelikula siyang ginagawa noon, palaging tumutulong sa publicity niya si Franklin. – Vir Gonzales

APAT

AZENITH

AZENITH BRIONES

BIHIRANG

EL REY

EL REY REYES

FRANKLIN CABALUNA

JORDAN REYES

NOONG

SAN PABLO CITY

VIR GONZALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with