^

PSN Showbiz

Iba ang top grosser sa best picture

-
Amin nang lalahatin. Ang Kasal, Kasali, Kasalo ang pinakamagandang pelikula sa siyam na kalahok sa katatapos na MMFFP. Ito na siguro ang unang pelikulang ginawaran ng "A" ng Cinema Evaluation Board na kumita ng husto. Nakakadismaya nga lang na tinanghal itong second best picture kahit napanalunan nito ang Gatpuno Antonio Villegas award.

At kung hindi nominado si Cesar Montano na siyang tinanghal na best actor for Ligalig, ang choice namin na manalo ay si Ryan Agoncillo na binansagang Male Star of the Night. Invigorating ang pagganap ni Ryan at sadyang bagay na bagay silang dalawa ni Juday bilang newly-wed couple sa istorya. Sa husay na ipinamalas ng dalawa ay nakatitiyak kaming may lulutuing bagong proyekto ang Star Cinema para sa magkasuyo sa tunay na buhay.

Ang isa pang ikinaganda ng Kasal, Kasali, Kasalo ay ang pagiging romantic comedy nito. It is also the only movie na may realidad sa tunay na takbo ng pangkasalukuyang buhay.
* * *
Nagbunyi ang OctoArts at M-Zet dahil sa grabeng tagumpay ng Enteng Kabisote 3. Umani ito ng batikos dahilan sa ito ang dineklarang best picture sa festival. Naging basehan ang pagiging champion nito sa boxoffice which is truly unprecedented. Kung ganoon dapat siguro ay lumikha sila ng kategoryang "festival topgrosser award" at hindi bilang best picture dahil kahit sa special effects ay wala itong pinanalunan.

Ang balita nga namin at maging ang mga hurado ay nagkatinginan na lamang nang ihayag ang pagiging best picture ng Enteng Kabisote 3.

May nagwika rin na among the three series, hindi rin ito ang pinakamaganda. At any rate, tiyak na may installment 4 na mapapanood ang OctoArts for the next MMFFP. Remy Umerez

vuukle comment

CESAR MONTANO

CINEMA EVALUATION BOARD

ENTENG KABISOTE

GATPUNO ANTONIO VILLEGAS

KASAL

KASALI

KASALO

MALE STAR OF THE NIGHT

REMY UMEREZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with