^

PSN Showbiz

Problema ang tirahan sa 3 PDA winners

-
Parang pinagtiyap pala ng tadhana ang tatlong winners ng Pinoy Dream Academy na sina Yeng Constantino, Jay-R Siaboc, Jr at Ronnie Liang dahil iisa pala ang problema nila, mawawalan sila ng tirahan.

Abut-abot ang pasalamat ni Yeng nung manalo siya bilang 1st Grand Star Dreamer ng PDA dahil may premyong pera at condo unit, "’Yung pera po, pambili ng lupa para patayuan ng bahay at habang nag-iipon po ng pampatayo, sa condo unit muna titira ang pamilya ko," saad ni Yeng.

Sa squatters’ area lang pala nakatira sina Yeng at pamilya nito sa Montalban, Rizal na pag-aari na raw ng isang kilalang bangko at sa Marso ay ide-demolish na kaya’t timing ang pagkakapanalo niya ng condo unit.

"Lima po kaming magkakapatid, may asawa na ‘yung dalawa at ‘yung dalawang kuya ko, sa amin nakapisan. Bale ako po ang tumutulong sa tatay ko," pahayag ni Yeng.

At napakabait na anak ng dalagita dahil lahat ng perang napanalunan at allowances na naipon ay ibinigay lahat sa tatay niya na siyang mangangasiwa ng datung niya.

At naaliw pa kami dahil bumili si Yeng ng LG cellphone worth P4,000 na kung tutuusin ay kayang-kaya na niyang bumili ng mamahaling cellphone, "Naku, okey na ako rito, talk and text lang naman po ang gagawin ko," esplika niya.

Si Jay-R naman ay tila ninanamnam pa ang P500,000 na napanalunan dahil nasa wallet pa niya ang tseke at dala-dala maski saan magpunta, "Hindi ko pa po nade-deposit sa bangko, hindi ko po alam kasi kung paano," pagtatapat sa amin ng binatilyo.

Say namin ay may ATM naman siya at doon niya ito ihulog kesa ‘yung dala-dala niya, mamaya mahulog pa o madukutan pa siya, e, uso na ngayon ang re-discounting.

Problema rin ng pride ng Toledo City, Cebu ang titirhan nila dahil ang lupang kinatitirikan ng bahay nila ay ibebenta raw ng may-ari at plano niyang bilhin sana ang lupa, pero mukhang mahal naman at hindi pa niya kaya.

"Mag-iipon po muna ako, gusto kong patayuan ng bahay ang pamilya ko, sana po makaipon ako agad," seryosong sabi ng 1st runner-up ng PDA.

May premyo rin siyang condo unit sa Mandaluyong pero iri-request niya yung malapit sa ABS-CBN na lang ang ibigay sa kanya para hindi na siya mamroblema sa traffic at masasakyan.

Samantalang si Ronnie ay ganito rin ang problema, ang lupang kinatitirikan din ng bahay nila ay isasanla naman daw ng may-ari dahil gagamitin sa kung saan ang pera.

"Twenty years na nga po kaming nakatira ro’n, at tatay ko na po ang nagpagawa ng bahay namin kasi garahe po ‘yun na may bubong lang nung una, e, wala kaming matirhan kaya kinagat namin at halos kami na ang gumastos para magmukhang bahay, pinakabitan ni tatay ng jetmatic kasi dati poso lang po ang gamit namin at ngayon, may linya na ng tubig. Pati po Meralco, pinakabitan na rin namin, kasi dati walang ilaw.

"Thirty thousand po ang sinisingil sa amin every three months kaya hindi po namin alam kung paano iipunin ‘yun kasi tatay ko lang ang may trabaho at ako.

"Kaya ‘yung napanalunan kong P200,000 ay iipunin namin para lumago at makapagpatayo ng bahay," kuwento ng 2nd-runner up ni Yeng.

At dahil sangkaterba ang naka-line up na projects ng top 6 ng PDA, kasama rin sina Panky Trinidad, Irish Fullerton at Chad Peralta ay tiyak na makakaipon sila kaagad umpisa ng Marso dahil may global tour sila, bukod pa sa sangkaterbang product endorsements at regular shows, isa na ang ASAP 07. — Reggee Bonoan

vuukle comment

BAHAY

CHAD PERALTA

DAHIL

DREAM ACADEMY

IRISH FULLERTON

JAY-R SIABOC

MARSO

NIYA

YENG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with