Gagawin na ang Dolphy/Vic movie!
January 6, 2007 | 12:00am
Alam ni Oyo Sotto na ang recent break-up nila ni Angel Locsin ang uuriratin sa kanya ng TV and print entertainment media kaya sinadya niyang huwag siputin ang thanksgiving party ng OctoArts Films at M-Zet TV Productions at naiintindihan ito ng ama ni Oyo na si Vic na hindi nakaligtas sa mga katanungan na may kinalaman sa paghihiwalay nina Oyo at Angel. Maging si Bing Loyzaga na isa rin sa cast ng EK3 ay hindi rin nakaiwas lalupat isa siya sa mga itinuturong dahilan ng split-up ng dalawa.
At kung si Bing ang tatanungin, gusto niyang magkabalikan pa ang dalawa.
"Naging saksi rin kasi ako sa pagmamahalan ng dalawang yon," aniya.
Samantala, kinumpirma ni Vic na tuluy na tuloy na ang unang tambalan nila ng comedy king na si Dolphy sa taong ito. Katunayan, nakatakda silang magsimulang mag-shoot sa buwang ito o sa susunod na buwan pero hindi pa raw kumpleto ang casting. Ang box office at paboritong direktor ni Vic na si Tony Reyes pa rin ang magdidirek at co-productions ng M-Zet TV Productions, RVQ Productions at APT Films. Hindi pa rin masabi ni Vic kung mapapasama sa movie ang girlfriend niyang si Pia Guanio. Bakit hindi na lamang sina Zsazsa Padilla at Pia ang gawing leading-lady ng dalawa kesa mag-isip pa sila ng ibang kapareha?
As we go to press, kapansin-pansin ang pagpanhik sa ranking ng Mano Po 5 mula sa Number 7 sa first day. Na-dislodge na nito ang Zsa Zsa Zaturnnah na siyang No. 6 at sumunod naman siyang umakyat sa No. 5 at nalagpasan pa niya ang Super Noypi. Kapag nagtuluy-tuloy ang pag-akyat ng Mano Po 5, hindi malayong umakyat ito sa puwesto ng Matakot Ka sa Karma at No. 4. Pero hindi na matitinag ng Mano Po 5 ang Top 3 na kinabibilangan ng Enteng Kabisote 3, Kasal, Kasali, Kasalo at Shake, Rattle & Roll 8.
Kung hindi sana na-delay ang prints ng Mano Po 5, tiyak na nakipaglaban ito sa Top 3.
As of January 2, 2007, narito ang standing ng siyam na pelikulang kalahok sa ongoing MMFF na magtatapos bukas, Jan. 7, araw ng linggo:
1. Enteng Kabisote 3 - P104.8M
2. Kasal, Kasali, Kasalo - P91.7M
3. Shake, Rattle & Roll 8 - P43.7M
4. Matakot Ka sa Karma - P18.5M
5. Mano Po 5 - P17.6M
6. Super Noypi - P16.2M
7. Zsa Zsa Zaturnah - P 9.9M
8. Ligalig - P 6.0M
9. Tatlong Baraha - P 3.4M
<[email protected]>
At kung si Bing ang tatanungin, gusto niyang magkabalikan pa ang dalawa.
"Naging saksi rin kasi ako sa pagmamahalan ng dalawang yon," aniya.
Kung hindi sana na-delay ang prints ng Mano Po 5, tiyak na nakipaglaban ito sa Top 3.
As of January 2, 2007, narito ang standing ng siyam na pelikulang kalahok sa ongoing MMFF na magtatapos bukas, Jan. 7, araw ng linggo:
1. Enteng Kabisote 3 - P104.8M
2. Kasal, Kasali, Kasalo - P91.7M
3. Shake, Rattle & Roll 8 - P43.7M
4. Matakot Ka sa Karma - P18.5M
5. Mano Po 5 - P17.6M
6. Super Noypi - P16.2M
7. Zsa Zsa Zaturnah - P 9.9M
8. Ligalig - P 6.0M
9. Tatlong Baraha - P 3.4M
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended