Mark, pinagbibintangang bakla!
January 4, 2007 | 12:00am
Sa every year na pa-thanksgiving party ng M-Zet at OctoArts Films dahil parating number one ang Enteng Kabisote at first time magpa-raffle ngayong taon dahil na-surpass daw ng EK3 ang kinita ng EK2 last year at dinoble pa, kaya bilang pasasalamat ng dalawang producer na sina Vic Sotto at Orly Ilacad ay nagpa-raffle sila ng appliances at cash sa invited entertainment press.
Sa totoo lang, walang umuwing luhaan, imbitado o hindi dahil lahat winner at ibinalita rin ng bidang si Enteng na hindi first time makatanggap ng tropeo bilang Best Picture ang Enteng Kabisote 3 dahil taong 1991 ay nakatanggap na rin ito ng the same award na Gatpuno Antonio Villegas sa pelikulang Okey Ka Fairy Ko.
At alam ng mga taga-Enteng na maraming hindi pabor sa pagkakahirang sa kanila bilang Best Picture at sila rin daw ay nagulat but since kusang ibinigay sa kanila ay buong puso nilang tinanggap ito at walang soliang mangyayari.
Samantala, inamin ni Vic sa one-on-one interview namin na hindi talaga dumating ang anak niyang si Oyo Boy Sotto sa thanksgiving party dahil ayaw nitong makipag-usap muna sa press people dahil mainit pa nga ang issue nila ni Angel Locsin.
Hindi pala aware si Mark Bautista na siya ang laman ng mga blind item recently na isang male singer na pinopormahan ng mga pulitiko from the south.
Nagulat ang ka-loveteam ni Gloria Diaz sa bagong soap dramang Sana Maulit Muli na airing na sa Lunes (January 8) na siya pala ang tinutukoy at lumalabas tuloy na bading siya kasi nga walang nababalitang girlfriend.
"May mga niligawan po ako before pero hindi naman nag-work out so, akala nga gay ako, but Im not," bungad ni Mark sa amin.
At inamin ng mahusay na singer na recently ay nag-show siya sa Leyte at naka-bonding niya ang governor ng naturang bayan," nag-jetski po kami at saka may asawa na po yun at hindi po ako pumapatol sa kapwa ko lalaki," esplika ng binata.
At dahil may nililigawan siyang taga-La Salle ngayon ay baka hindi na siya matsi-tsimis na bading at pormal na raw niyang dinalaw sa bahay nito sa Las Piñas at twice namang sinundo sa school.
Kaya lang hindi matandaan ni Mark ang kurso ng girlash dahil mahirap daw sabihin at dahil estudyante ang kanyang future girl ay gusto na rin niyang tapusin ang kurso niyang architecture at naghahanap pa kung saan school siya makakapasa.
Support lang ang role ni Mark kina Kim Chiu at Gerald Anderson pero laking pasalamat na rin niya dahil may regular show siya for four months at kakaiba ang role niya, lover boy siya ng isang may edad na babae played by Gloria, "May-December affair po ang relasyon namin," sambit ng binatang singer. Reggee Bonoan

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am