Sino si Poppy sa career ng mga local Angels?
January 3, 2007 | 12:00am
Curious ako kung sino ba si Poppy na kasama sa pangalan ng bagong tatag at mabilis na sumisikat na grupo ng mga kababaihang tinatawag na Poppys Angels.
Hindi raw ito ang pangalan ng manager nila, o kaya ng taong bumuo sa kanila o kaya ng may-ari ng Diamond Laboratories, Inc. (gumagawa ng Kankunis at Kankura tea, Korgivit-E vitamins, Rhino tea, Honeymoon tea to name a few) na gumagamit ng serbisyo nila para i-promote ang mga produkto ng kumpanya. Lumilibot sila sa buong bansa at sa loob ng anim na buwan ay magsasagawa ng isang massive campaign hindi lamang sa telebisyon kundi maging sa radyo at mga dyaryo para i-promote ang mga produkto ng Diamond Laboratories. Si Poppy ay isang mala- Charlie ng Charlies Angels, na handa ring sumuporta at tumulong sa mga Angels.
Ngayon pa lamang ay madalas nang marinig ang Poppys Angels sa mga programa sa radyo lalo na kina Jobert Sucaldito at Ogie Diaz at nakalabas na rin sila sa programang Gandang Ricky Reyes ng QTV 11.
Ang Poppys Angels na kinabibilangan nina Sashi, Akiza, Divine, Aya at Lara Queenie ay isang sing and dance group na nangangailangan pa rin ng mga bagong myembro. Kaya kung kayo ay may taas na 52" at may edad na 18-22 at handang mag-undergo ng extensive training sa dancing, singing at acting, tawagan si Robert Silverio 4555989/09269971178. Kapag napili kayo, nakasisiguro na kayo ng monthly income at isang magandang pagkakataon na sumikat sa larangan ng showbiz.
Bilib naman ako kay Vic Sotto dahil hindi siya naapektuhan ng mga intriga na may kinalaman sa pagkakapanalo ng kanyang Enteng Kabisote 3 bilang Best Picture sa katatapos na MMFFP Awards Night.
"Hindi lamang naman ngayon nanalo ang Enteng ng awards. Nung early 90s ay nanalo na rin ang Okay Ka Fairy Ko ng The Gatpuno Antonio Villegas Best Picture Awards kasama sina Tetchie Agbayani bilang Best Supporting Actress at Aiza Seguerra bilang Best Child Actress.
"Hindi na bago sa akin ang Best Picture na tinanggap ng Enteng 3. At mag-iiyak man sila, wala na silang magagawa, nasa akin na ang trophy," sabi niya nang may pagmamalaki dahil aniya pa, "Pinaghirapan din namin ang Enteng 3, pinagpuyatan, ginastusan ng malaki. Kung inakala ng mga jurors na dapat itong maging Best Picture, salamat na lamang, hindi ko na ito bibitawan pa."
Bilang pasasalamat, nagbigay ng blowout sa press sina Vic (M-ZET ) at Orly Ilacad ng OctoArts na siyang nagsosyo sa movie.
Sa Enero 8 na ang simula ng pagpapalabas ng Rob B Hood starring Jackie Chan. Panoorin kung paano maipapakita ng Hongkong superstar ang kanyang galing sa action habang nag-aalaga ng isang bata.
E-mail: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended