Stop muna sa showbiz ang anak ni Gary V.
January 2, 2007 | 12:00am
Hanggang ngayon hindi pa rin ma-absorb ni Yeng Constantino ang maganda niyang kapalaran pagkatapos niyang tanghaling Grand Star Dreamer ng Pinoy Dream Academy.
"Ako pala ang nanalo. Hindi ko inaasahan na magbabago ang buhay ko. Pero gusto ko pa ring ma-remember bilang songwriter na nagsimula sa kanta kong "Hawak Kamay" na napiling theme song of the year ng MMFF 06."
Pero sabi nga ni Lea Salonga nang minsan itong dumalaw sa loob ng PDA, Dapat ma-sustain niya ang kanyang kasikatan.
Sabagay sa edad na 18 yrs old ni Yeng, marami pa itong kantang maisusulat. Marami namang paghuhugutan si Yeng sa mala-Cinderella niyang buhay.
At nasa mabuting kamay ang career nito sa ilalim ng ABS-CBN na nakahukay ng ginto sa kanilang bagong songwriter.
Hindi man singer ang anak ni Gary Valenciano na si Gabriel pero, nasa linya pa rin ng music ang gustong pasukin nito.
Pupunta si Gab sa US para mag-aral doon. Ngayon huminto na si Gab sa kanyang schooling sa La Salle. Pansamantala muna itong pumapasok sa bible school habang hindi pa siya nakakaalis.
Nag-submit na ito ng demo sa Musician Institute of Recording sa California. Tatlong course ang kukunin ni Gab, ang Recording Institute Tech (RIT), Recording Artist Program (RAP) at Film Institute (FI). Tapos gusto niyang mag-master ng music sa Boston.
"Curious kasi ako everytime my Dads working sa show niya. Until I started working on stage. Its fun working with production people. I like engineering works, nagdi-direct, nagi-edit ng video and more. Musically wise para mahasa at magamit ko rin ang hilig ko sa guitar, drums, keyboards and percussions," paliwanag ni Gab.
Kaya kahit gustuhin mang manligaw ni Gab after ng break-up nila ni Nikki Gil sa ibang girls, hindi puwede. Magiging unfair daw dahil maiiwan lang niya ang girl sa bansa.
"Knowing myself pag na-in love. Kaya zero muna. Although I go out with friends," sabi ni Gab na hanggang ngayon ay mag-bestfriends pa rin sila ni Nikki pero ibang level na. Naging circus daw kasi ang relasyon nila ni Nikki kaya nabulabog at naghiwalay na lang sila as friends.
Isa pang pinahihinog ng pamilyang Valenciano ay ang bunso nilang si Kianna na kahit marami nang offer sa bagets pero ayaw pa ng mommy Angeli niya. Hindi pa puwede dahil 13 yrs old lang si Kristiana Maria Mikaela, Kianna in short. First year high school pa lang si Kianna sa La Salle Antipolo.
"I wanna sing first," sabi ni Kianna.
Malamang na Barbie at Kitchie in the making si Kianna na mahilig ding mag-gitara at mag-piano. At hindi na kailangang tanungin kung magaling din siyang sumayaw like her dad and Gab.
"Yup! I can sing and dance. I like hip-hop and street dance. Parang Beyonce, Jojo, Rihanna and a mixture of touch ng mga gusto kong artists na tipong R&B at pop ang music," kuwento ni Kianna.
Happy New Year po sa inyong lahat!
Salamat din sa lahat ng bumati at nagbigay ng regalo.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended