Angel, Oyo, wala na!
January 2, 2007 | 12:00am
Kumpirmadong hiwalay na nga sina Oyo Boy Sotto at Angel Locsin bago pa mag-Pasko at pilit naman daw itong inaayos ng dalawa, pero ayon mismo sa kampo ng aktor ay malabo na dahil may kapalit na siya sa puso ng aktres, si Robin Padilla.
Yes, si Binoe na leading man ni Angel sa Asian Treasures na ang airing ay sa January 15, 2007 ang pinagseselosan daw ngayon ng matindi ni Oyo.
"Foul naman yata ang isyung yan kasi kilala ko ang alaga ko, hindi siya pumapatol sa married men dahil alam niya ang consequences kapag na-link siya sa may-asawa.
"Angel loves Oyo, I know that for a fact dahil iniiyakan niya ang paghihiwalay nila," ito ang paliwanag ng manager ni Angel na si tita Becky Aguila.
Hindi naman nabanggit sa amin ng manager ng aktres kung si Oyo ang dahilan kung bakit na-hospital siya last week at as of this writing ay kalalabas palang ng dalaga ng ospital.
Samantala, tinext namin ang manager ng aktor na si Ms. Malou Choa Fagar para ma-interview si Oyo at itse-check pa raw ang schedule ng binata.
Nakatanggap kami ng information mula sa AGB-Nielsen na number one na naman daw ang ABS-CBN sa latest survey nila sa buong Pilipinas.
Ayon sa AGB Nielsen Media Research, nangunguna na naman daw ang mga palabas ng ABS-CBN primetime sa buong Pilipinas tulad ng Kapamilya: Deal or No Deal ni Kris Aquino na ang mga manonood daw sa Metro Manila, Luzon at Visayas ay nakikisagot sa tanong ni Tetay ng "Is it a deal or no deal?"
Sumusunod ang Super Inggo ni Makisig Morales na talagang sumobra na sa paglipad pataas at bilang patunay ay naungusan na nito several times ang katapat na Captain Barbell at Atlantika.
Sa Mindanao naman ay Kapamilya pa rin daw ang nangunguna dahil si Pedro Penduko ang paborito nila nang ilagay sa number one spot ang Komiks na napapanood tuwing Sabado katapat naman ng Bitoys Funniest Videos na twice nang naungusan sa ratings game.
Kaya sa buwan ng Oktubre ng taong 2006 ay pinatunayan lang sa buong Pilipinas na pawang ABS-CBN ang programang pinapanood ngayon.
Samantala, tinawagan namin ang executive ng Dos para kunan ng pahayag sa balitang natanggap naming, "Im sorry, wala po kaming alam diyan dahil hindi po kami subscriber kaya wala kaming infos. If thats true, we are very happy dahil magandang regalo sa amin yan for the year 2007. Salamat sa lahat ng naniniwala sa ABS-CBN."
Sinubukan naman naming kunan ng pahayag ang taga-GMA 7 at ang say sa amin, "Kung number one man sila, siguro sa primetime lang kasi hindi pa totally nadadaig ng Home Boy ang Sis, for the record lang, hindi pa natatalo ang Sis, alam ng Dos yan." REGGEE BONOAN

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended