Tuli, magpapakitang-gilas sa 2007 Sundance Filmfest
December 31, 2006 | 12:00am
Sa Bagong Taon, magsisimulang magpakitang gilas ang ating industriya ng pelikula sa 2007 Sundance Film Festival na gagawin sa Salt Lake City, Utah. Kasali sa exhibition ang Tuli, isang digital movie mula sa Viva Films, sinulat ni Jimmy Flores, winner sa unang Fermina Salvador (FSR) Del Rosario Scriptwriting Contest.
Ang Tuli ay dinirek ni Aureaus Solito, na siya ring may likha ng multi-awarded na Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, na nagwagi na ng 14 international awards! Ang Pagdadalaga din ang lahok ng Pilipinas sa Best Foreign Film category ng Oscar sa Hollywood, sa 2007.
Ang Tuli, ay nanalo na ng Best Picture and Best Director Award sa CineManila Digital Competition. Ito rin ang opening film sa 2006 ImagineNATIVE Film Festival sa Toronto, Canada, at kumbidado rin sa San Francisco International Film Festival.
Ang Tuli ay ipalalabas sa Sundances Spectrum Section na isang out-of-competition division. Ang bahaging ito ng prestigious independent filmmakers festival ay lalahukan ng mga most promising filmmakers mula sa USA at sa buong mundo.
Bukod sa Sundance, nominated pa ang Tuli sa Best Foreign Film category ng Independent Spirit Awards sa Los Angeles.
Ang Tuli ay istorya ng isang magtutuli (Bembol Roco) na ang anak na dalaga (Desiree del Valle) ay umibig at nabuntis ng isang supot na lalaki sa kanilang bayan (Carlo Aquino).
Ewan natin kung tutuliin din siya ni Bembol bago matapos ang pelikula!
Magiging maaga ng kalahating oras ang telecast ng Pilipinas Ngayon Na sa NBN Channel 4, ngayong Linggo, 9:30 ng gabi.
Kabilang sa mga special guest sa special New Year presentation ng malaganap na programa ay sina Marco Sison, Victor Wood, Philippine Idol finalist Jeli Mateo at Himig Muntinlupa.
Magbibigay ng kanyang New Years message si Press Secretary at Presidential Spokesperson Ignacio Bunye.
Ang isat kalahating oras na palabas ay hosted ni Usec. Robert Rivera at Nikka Alejar. Parami nang parami ang nanonood ng show sa ating bansa at maging sa USA, Middle East, China, Brunei, Taiwan, Japan at ilang European countries na pinalalabas ang Pilipinas Ngayon Na.
Ito rin ang nagiging ugnayan ng mga OFWs sa ating gobyerno, at sa kanilang mga kamag-anak na naiwan sa Pilipinas.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended