^

PSN Showbiz

May gulo na agad sa Starstruck 4

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Hindi napilit ni Allan Diones sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo na sabihin ang Christmas gifts nila sa isa’t isa. "Secret" ang consistent na sagot ng actress sa pangungulit ng kaibigang reporter. Ayaw ding magbigay ng clue ng TV host-actor kung ano ang special gift niya sa girlfriend at ang sinabi lang ay "Naka-level ako sa gifts niya."

Si Ryan ang mas tuwang-tuwa sa box-office success ng Kasal, Kasali, Kasalo dahil ibig sabihin, tanggap ng tao pati sa pelikula ang tambalan nila ng girlfriend. Sa reaction nitong panlalaki ng mga mata at masayang ngiti, aprub sa kanya ang nabalitaang gustong gawan ng sequel ng Star Cinema ang KKK.

Hinihintay din nitong mabigyan siya ng talk show para ‘di makalimutan ng tao na bago siya naging actor ay isa siyang magaling na host. Gusto sana ni Ryan na may talk show siya habang naghihintay sa second season ng Philippine Idol.
* * *
Sobrang kinakabahan si Vhong Navarro sa January 17, 2007 opening ng Agent X44 dahil opening salvo ito ng Star Cinema at alam niyang marami ang gustong gumanap sa role na pinasikat ni Tony Ferrer. Dagdag na pressure sa kanya ang sinabi ng former action star na siya ang gusto nitong gumanap sa role ng secret agent.

Kasama sa pinasalamatan ni Vhong ang kaparehang si Mariel Rodriguez sa pagtanggap ng pelikula kahit alam na si Toni Gonzaga ang original choice na kanyang makatambal. Good replacement ang dalaga para kay direk Joyce dahil very sexy at very good daw.

Ang dalawang anak pa rin ang kasama ni Vhong sa pagsalubong ng Bagong Taon. Magpapaputok lang daw silang mag-ama at bukas, magsisimula na siyang mag-promote ng pelikula. Last Christmas, magkakasama silang nanood ng Shake, Rattle & Roll 8 at sunod nilang pinanood ang Enteng Kabisote 3 ni Vic Sotto.
* * *
Third try na ni Jean de Castro ang StarStruck 4 The Next Level dahil nag-audition siya sa SS 2 at 3 at ngayon lang sinuwerte. Hindi siya nakukuhang finalist dahil mataba at may braces siya dati. Nang humarap sa press noong isang gabi, slim ang magandang teener na determinadong manalo either as Female Ultimate Survivor o Ultimate Sweetheart.

"Kaaliw ang paulit-ulit na pagsasabi ni Lizzy Pecson na wholesome siya kahit naging endorser siya ng isang brand ng condom. Saka, two years ago pa raw yun at gusto sigurong sabihin sa press na tantanan na siya.

Iniintriga naman ang closeness nina Jesi Corcuera at Kris Bernal. Ito’y kahit inamin ng una na may girlfriend siya at may boyfriend ang huli.

Nakakaamoy kami ng conflict between Stef Prescott at Jewel Mische. Hintayin lang natin at lalabas din ito lalo’t ang isa’t isa ang kino-consider nilang mahigpit na makakalaban.

Sabi nga ng press, sila ang SS4 version nina Yasmien Kurdi at Nadine Samonte.

Samantala, mapapanood bukas, January 1, 2007 ang Survivors meet the press as its first episode. Namnamin n’yo na sila’t ang iba sa kanila’y na-eliminate na kahapon at sa next presscon, ang Final 14 na ng show ang aming makakaharap.

vuukle comment

ALLAN DIONES

BAGONG TAON

ENTENG KABISOTE

FEMALE ULTIMATE SURVIVOR

JESI CORCUERA

JEWEL MISCHE

JUDY ANN SANTOS

SIYA

STAR CINEMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with