^

PSN Showbiz

Cherrylou, iniwan na ba ang showbiz?

- Veronica R. Samio -
Hindi kataka-taka kung mahilig man sa showbiz si Cherrylou. Ang kanyang pamilya ay nagmemeari ng isang malaking iskwelahan sa south. Ito marahil ang dahilan kung bakit hindi niya maitodo ang pagpapa-seksi. Meron siyang image na inaalagaan.

Abala ito ngayon sa pagma-manage ng kanyang sariling agency na may kinalaman sa ship staff crew manning. At kung di man siya visible ngayon ito ay sa dahilang marami siyang shows out of the country, sa Japan particularly, at maging sa Guam at Dubai. Huli siyang napanood sa Sa Piling Mo bilang kaibigan ni Rica Peralejo.

Actually, hindi naman niya tinatalikuran ang showbiz. Kapag may offers, naggi-guest siya at bahagi pa rin siya ng mga dance concerts kasama ang iba pang sexy girls.
* * *
Inamin ni Vhong Navarro na binigyan siya ng pointers ni Tony Ferrer, ang orihinal na gumanap bilang Agent X44 sa ginawa niyang movie para sa Star Cinema na pinasikat ng husto ni Tony Ferrer nung kapanahunan niya. Ang kaibhan lamang ng pelikula nila ay isang seryosong action movie yung mga ginawa ni Tony Ferrer samantalang isang action comedy itong ginawa niya na dinirek ni Bb. Joyce Bernal at nagtatampok din kina Mariel Rodriguez, Cassandra Ponti, Juliana Palermo, Pokwang, Epy Quizon, Uma Khouny at John Lapus.

Balik tandem ito nina Bb. Joyce at Vhong na naging matagumay ang pagsasama sa D’ Anothers nung simula ng 2006. Itong Agent X44 ang opening salvo naman ng Star Cinema for 2007. At dahil isang action movie ito tungkol sa isang mala-James Bond na character, makakaasa ang mga manonood ng mga mahihirap na stunts at hindi raw nagpa-double si Vhong. Marami ring sexy stars sa pelikula at talagang magsasawa ang mga manonood sa mga kaseksihan nila.
* * *
[email protected]

CASSANDRA PONTI

EPY QUIZON

ITONG AGENT

JAMES BOND

JOHN LAPUS

JOYCE BERNAL

JULIANA PALERMO

STAR CINEMA

TONY FERRER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with