MMFF entries, di pa napipirata
December 30, 2006 | 12:00am
Sa kabila naman pala ng issue tungkol sa pulitika sa Makati, showing naman pala sa nasabing Lungsod ang Tatlong Baraha nina Sen. Lito Lapid. As in nakita ko na sa Greenbelt pa ito palabas contrary sa mga issue non.
Meaning non-issue nga ang pulitika at magandang gesture ito sa mga may-ari ng sinehan dahil festival naman. Confirmed na kasing tatakbong mayor ng Makati si Sen. Lapid kaya nagkakaroon ng issue noon na bawal ipalabas ang pelikula niya sa nasasakupan ni Mayor Binay.
Anyway, nasa first week pa lang ng run ang mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival. Pero mukhang hindi na matitinag sa no. 1 slot ang Enteng Kabisote, na as of presstime ay kumita na sa takilya ng P59.4 million, no. 2 ang Kasal Kasali Kasalo (P42.3 million) at sa no. 3 ang Shake Rattle and Roll (P24.6 million). Pang-apat ang Karma - P11.5 million, Super Noypi - P10.7 million; Mano Po - P9.7 million, ZsaZsa Zaturnnah - P7.0 million; Ligalig - P3.6 million and Tatlong Baraha - P2.5 million.
Pero tiyak na magkakaroon ng ibang ranking after the festival awards night kagabi. Ganun usually ang nangyayari. Kung aling pelikula ang maghahakot ng award, biglang dumarami ang nanonood.
Meron pang more than a week ang festival at sana ay mas marami pang manood though marami na ngang nanonood.
Good news din na wala pang pirated copies ang nine entries sa festival. Thanks to Optical Media Board headed by Chairman Edu Manzano at nagtrabaho ang kanyang ahensiya.
So far ayon sa supplier ng pirated videos, wala pang available na copy.
Meaning, wala pang choice ang nagtitipid na manood ng sine.
Kung tutuusin kasi iba talaga ang quality ng panonood ng sine sa theaters kesa sa pirated copies especially yung ng mga pelikulang may effects like Super Noypi, Enteng Kabisote, ZsaZsa Zaturnnah, lahat actually ng pelikula ng festival film.
Marunong ding magdala ng career itong si Cassandra Ponti. Imagine, yung ibang kasabayan niya sa Pinoy Big Brother ni wala na tayong naririnig. Malamang wala na rin silang name recall sa ating lahat. Pero si Cassandra, in fairness, heto at hataw ang career. Sa ongoing filmfest, dalawang pelikula ang kasali siya Enteng Kabisote (special participation) and Shake Rattle and Roll. At ngayon, kasama naman siya sa new year offering ng Star Cinema na Agent X44 starring Vhong Navarro.
Madalas kong makasabay sa saloon ni Bambbi Fuentes si Cass at nakakatuwa siya sa dali ng panahon na nasa showbiz siya, nakabili na agad siya ng car at napatapos niya ang bahay nila sa Davao.
Brand new car ang na-aquire niya at ang matagal na niyang sinimulang bahay ng pamilya sa Davao na seven bedroom.
Three years bago natapos ang nasabing house.
Parang for good na ang hiwalayang Jolo Revilla at Grace Adriano (anak ni Rosanna Roces). Mismong si Bryan na kasi ang nag-confirm na totoong hiwalay na sila .
Pero ayaw magsalita ng pamilya Revilla tungkol sa issue, basta ang sabi lang ni Jolo totoong hiwalay na sila. Nang mag-throw ng party ang pamilya Revilla sa ilang friends from the entertainment press.
Balitang preggy daw ngayon si Grace.
Anyway, during the party, mismong si Sen. Bong ang nag-announce na tatakbong vice governor ng Imus, Cavite si Lani. Medyo shy pa si Lani na aminin pero mukhang nasa plano na.
Sinabi rin Sen. Bong na next year ay magiging active uli sila sa paggawa ng pelikula at malamang na tatlong malalaking pelikula ang gagawin ng Imus Productions.
Yearender ngayon sa Showbiz Stripped ngayong gabi. As in lahat ng kontrobersya sa matatapos na taon ay susulyapan ni Ricky Lo.
Anu-ano nga ba yun? Marami kung tutuusin kaya watch kayo ng Showbiz Stripped tonight sa GMA 7.
Meaning non-issue nga ang pulitika at magandang gesture ito sa mga may-ari ng sinehan dahil festival naman. Confirmed na kasing tatakbong mayor ng Makati si Sen. Lapid kaya nagkakaroon ng issue noon na bawal ipalabas ang pelikula niya sa nasasakupan ni Mayor Binay.
Anyway, nasa first week pa lang ng run ang mga pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival. Pero mukhang hindi na matitinag sa no. 1 slot ang Enteng Kabisote, na as of presstime ay kumita na sa takilya ng P59.4 million, no. 2 ang Kasal Kasali Kasalo (P42.3 million) at sa no. 3 ang Shake Rattle and Roll (P24.6 million). Pang-apat ang Karma - P11.5 million, Super Noypi - P10.7 million; Mano Po - P9.7 million, ZsaZsa Zaturnnah - P7.0 million; Ligalig - P3.6 million and Tatlong Baraha - P2.5 million.
Pero tiyak na magkakaroon ng ibang ranking after the festival awards night kagabi. Ganun usually ang nangyayari. Kung aling pelikula ang maghahakot ng award, biglang dumarami ang nanonood.
Meron pang more than a week ang festival at sana ay mas marami pang manood though marami na ngang nanonood.
Good news din na wala pang pirated copies ang nine entries sa festival. Thanks to Optical Media Board headed by Chairman Edu Manzano at nagtrabaho ang kanyang ahensiya.
So far ayon sa supplier ng pirated videos, wala pang available na copy.
Meaning, wala pang choice ang nagtitipid na manood ng sine.
Kung tutuusin kasi iba talaga ang quality ng panonood ng sine sa theaters kesa sa pirated copies especially yung ng mga pelikulang may effects like Super Noypi, Enteng Kabisote, ZsaZsa Zaturnnah, lahat actually ng pelikula ng festival film.
Madalas kong makasabay sa saloon ni Bambbi Fuentes si Cass at nakakatuwa siya sa dali ng panahon na nasa showbiz siya, nakabili na agad siya ng car at napatapos niya ang bahay nila sa Davao.
Brand new car ang na-aquire niya at ang matagal na niyang sinimulang bahay ng pamilya sa Davao na seven bedroom.
Three years bago natapos ang nasabing house.
Pero ayaw magsalita ng pamilya Revilla tungkol sa issue, basta ang sabi lang ni Jolo totoong hiwalay na sila. Nang mag-throw ng party ang pamilya Revilla sa ilang friends from the entertainment press.
Balitang preggy daw ngayon si Grace.
Anyway, during the party, mismong si Sen. Bong ang nag-announce na tatakbong vice governor ng Imus, Cavite si Lani. Medyo shy pa si Lani na aminin pero mukhang nasa plano na.
Sinabi rin Sen. Bong na next year ay magiging active uli sila sa paggawa ng pelikula at malamang na tatlong malalaking pelikula ang gagawin ng Imus Productions.
Anu-ano nga ba yun? Marami kung tutuusin kaya watch kayo ng Showbiz Stripped tonight sa GMA 7.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended