Icons ng Cartoon Network, mapapanood ng live sa Araneta Coliseum!
December 30, 2006 | 12:00am
Magandang balita ito sa mga bata na nanonood ng TV. Ang mga hinahangaan nilang cartoon characters na napapanood nila sa Cartoon Network ay makikita na nila ng live na nagsimula kahapon hanggang Enero 3 ng 2007 sa isang natatanging palabas na pinamagatang Cartoonival sa Araneta Coliseum. Ang Pilipinas ay kasama sa several key cities na bibisitahin ng mga nasabing cartoon icons.
Sa tulong ng Millennium Grandstage Holdings, isang 90-minute na pagtatanghal na may dalawang acts ang bubuo sa palabas na may tiket na nagkakahalaga ng P550, P950, P1,250 at P1,150 at mabibili ng cash o sa pamamagitan ng credit cards sa lahat ng Ticketnet outlets sa Araneta Coliseum at SM Department. May family package, na may isang libreng tiket sa bawat limang tiket na bibilhin. Para sa ibang detalye, tumawag sa 9115555. Para sa group sale, tumawag kina Joseph Silva o Karen Delica sa 8161566 loc. 110.
Ang mga magtatanghal ay ang Powerpuff Girls, Dexter & Dee Dee, Hi Hi Puffy Ami Yumi, plus Mac & Bloo at ang mga kaibigan nila sa Fosters Home for Imaginary Friends.
Akala ko mahal na yung pagpapa-ineksyon para sa kagat ng aso pero okay pala ang halagang ito kumpara sa sakit na mararanasan ng isang biktima. At ang hirap na daranasin niya sa paghihintay na matawag siya para mabigyan ng ineksyon. Ang dami-dami palang nakakagat ng mga hayop. Kasabay kong naghihintay sa labas ng mga klinika ng Research Institute for Tropical Medicine na matatagpuan sa Alabang ay mga nakagat ng aso rin, pusa, unggoy, ahas at maging ng daga. Nag-iiyakan lalo na yung mga bata. Sabi ko dahil mga bata sila pero, umiyak din ako nang ako na dahil tatlo ang ibinigay sa aking iniksyon, dalawa sa magkabilang hita at isa dun mismo sa pinakamalaking daliri ng aking kaliwang paa na kung saan ako nakagat ng aso ko. ANG SAKIT SAKIT!!! Nagdilim nga ang paningin ko. Nag-worry nga ang nurse na tumitingin sa akin dahil parang hihimatayin ako sa takot at sa sakit.
Malayo ang RITM pero mas mababa ang singil nila for the three injections. Problema ko na lang ang natitira pang apat na injections sa St. Lukes na kung saan ako unang nagpakita at nabigyan ng first aid.
Sana nga di maapektuhan ang aking dog because di ko alam kung papaano ko dadalhin ang ulo niya kapag namatay siya sa RITM na siyang nire-require sa mga asong nakakagat at may rabbies.
At sana rin ibayuhin nating lahat ang pag-iingat para di tayo makagat ng aso dahil bukod sa mahal, talagang masakit ang proseso, lalo na sa mga bata. Ayokong dumaan sa prosesong ito ang mga apo ko. VERONICA R. SAMIO
Sa tulong ng Millennium Grandstage Holdings, isang 90-minute na pagtatanghal na may dalawang acts ang bubuo sa palabas na may tiket na nagkakahalaga ng P550, P950, P1,250 at P1,150 at mabibili ng cash o sa pamamagitan ng credit cards sa lahat ng Ticketnet outlets sa Araneta Coliseum at SM Department. May family package, na may isang libreng tiket sa bawat limang tiket na bibilhin. Para sa ibang detalye, tumawag sa 9115555. Para sa group sale, tumawag kina Joseph Silva o Karen Delica sa 8161566 loc. 110.
Ang mga magtatanghal ay ang Powerpuff Girls, Dexter & Dee Dee, Hi Hi Puffy Ami Yumi, plus Mac & Bloo at ang mga kaibigan nila sa Fosters Home for Imaginary Friends.
Malayo ang RITM pero mas mababa ang singil nila for the three injections. Problema ko na lang ang natitira pang apat na injections sa St. Lukes na kung saan ako unang nagpakita at nabigyan ng first aid.
Sana nga di maapektuhan ang aking dog because di ko alam kung papaano ko dadalhin ang ulo niya kapag namatay siya sa RITM na siyang nire-require sa mga asong nakakagat at may rabbies.
At sana rin ibayuhin nating lahat ang pag-iingat para di tayo makagat ng aso dahil bukod sa mahal, talagang masakit ang proseso, lalo na sa mga bata. Ayokong dumaan sa prosesong ito ang mga apo ko. VERONICA R. SAMIO
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended