^

PSN Showbiz

John, nag-sori sa mga taong nasaktan niya

-
Sa Baguio magdiriwang ng New Year ang Magdayao Family dahil doon iseselebra ng mag-asawang Frederico at Shiela Moreno ang kanilang 14th wedding anniversary.

Naunang umakyat ng Baguio ang mag-anak ni Fred (susunod kaya si Kuya Germs?) at ngayong araw, Huwebes naman susunod sina Daddy Ike, Mommy Deanne, Vina, Sheryl at Shaina na excited dahil matagal-tagal na rin bago siya muling pumunta sa bayan ng strawberries at everlasting.

Ito ang maganda sa pamilya nina Vina na maski na may kanya-kanya na silang sariling bahay ay parating intact pa rin ang pamilya nila at sila-sila rin ang nagtutulungan.

Samantala, balik-taping si Shaina sa January 3 kaya’t balik-Maynila na siya ng January 2.

As of now ay hindi pa naiaabot ng bunsong Magdayao ang regalo niya sa kanyang ka-loveteam na si Rayver Cruz dahil hindi pa sila nagkikita.

"Eh, kasi huli silang nagkita December 23, eh, hindi pa nakakabili ng regalo si Shaina sa sobrang kabisihan, kelan lang kaya hindi niya naiabot pa," katwiran naman ni Nanay Vi sa amin.
* * *
Gaano katotoo na hindi totoong manliligaw ang anak ni Pagcor Chairman Efraim Genuino na si Erwin kay Anne Curtis tulad nang nasulat kamakailan?

Ayon sa kumakalat na balita sa showbiz events ay kunwari lang daw na manliligaw o nanliligaw si Erwin sa aktres dahil nga plano nitong kumandidatong Congressman next year.

Dagdag tsika pa sa amin, "Di true na nagkita sila sa Las Vegas no, walang ganun. Kinausap na si Anne Curtis na tulungan si Erwin at umokey naman si Boss Vic (Del Rosario).

"Bestfriends sina Boss Vic at ‘yung tatay ni Erwin na si Efraim kaya ganun."
* * *
Nagulat kami nang makita namin si John Lapus sa presss launch ng Agent X44 ng Star Cinema na pinagbibidahan ni Vhong Navarro.

"Kasama po ako sa movie, makikigulo ako kay Vhong," sambit ng segment host ng S-Files.

Ayaw na ni John pag-usapan yung isyu sa pagi-guest niya kay DJ Mo dahil limang araw daw siyang pinupulutan sa pahayagan at okey lang daw iyon sa kanya dahil hindi naman siya guilty.

"It’s a hypothetical questions at nasa tao na lang kung ano ang intindi niya. But still, I say sorry pa rin sa mga taong nasaktan ko," esplika ng komedyanteng tv host.

Niliwanag din ni John na hindi siya nagpapa-pansin kaya siya nag-guest sa radio program ni Mo Twister. Inimbitahan siya at pinagbigyan niya.

"Bakit ko naman kailangang magpapansin pa?" katwiran pa sa amin. — Reggee Bonoan

ANNE CURTIS

BOSS VIC

CHAIRMAN EFRAIM GENUINO

DADDY IKE

DEL ROSARIO

ERWIN

JOHN LAPUS

SHAINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with