P20M agad si Enteng
December 27, 2006 | 12:00am
Tulad ng inaasahan ng marami, ang Enteng Kabisote 3: Okay Ka, Fairy Ko (The Legend Goes On and On and On) na co-production ng OctoArts Films at M-Zet TV Productions at pinagbibidahan ni Vic Sotto ang nangunguna sa takilya magmula nang itoy magbukas sa mga sinehan nung araw ng Pasko itoy umabot ng halos P20M sa opening day.
Si Leo Dominguez ang nag-send sa amin ng unofficial ranking ng siyam na kalahok ng ika-32 taon ng MMFF nung Lunes ng gabi. 1) Enteng Kabisote 3, 2) Kasal, Kasali, Kasalo, 3) Matakot Ka sa Karma, 4) Super Noypi, 5) Shake, Rattle & Roll 8, 6) Zsa Zsa Zaturnnah, 7) Mano Po 5, 8) Ligalig, 9) Tatlong Baraha. Since malayo po ang itatakbo ng festival, tiyak na magpapalit pa ng puwesto ang mula sa No. 3 hanggang No. 9. Pero tila nakakasiguro na ang Enteng Kabisote 3 sa kanyang unang puwesto.
Maraming aberya ang pinagdaanan ng float ng Enteng... na sinasakyan ng cast ng pelikula na pinangungunahan nina Vic Sotto at Kristine Hermosa nung parada ng mga artista. Dahil mataas ang float ng Enteng Kabisote 3, madalas itong sumasabit sa kawad ng kuryente kaya naging mabagal ang takbo ng parada.
Pagdating sa may Quezon Avenue, naubusan ng krudo ang float ng Enteng Kabisote 3 kaya lalong naantala ang pag-usad ng parada kaya nag-over-take na ang karosa ng Tatlong Baraha. Sumunod naman ang Super Noypi. Aabante na sana ang karosa ng Kasal, Kasali, Kasalo ng Star Cinema, pero umandar na ang karosa ng Enteng.
Pumalpak din ang baterya ng sasakyan kaya matagal bago ito nakausad hindi umusad ang float ng Enteng Kabisote 3 kaya hinila na lamang ito ng MMDA. Dahil sa delay, kinailangang paspasan ng MMDA ang paghila sa karosa ng Enteng Kabisote at hindi nito alintana ang mga taong nakasakay sa float lalung-lalo na ang cast na siyang nasa itaas. Hindi ito pinalagpas ni Jose Manalo kaya nasigawan niya ang isang roving MMDA official na nakasakay sa isang motorsiklo.
Pagdating sa may Quezon Bridge sa may Quiapo, muli na namang binilisan ang paghila sa float ng Enteng Kabisote kaya aksidenteng tumama sa parol ang speaker at nahulog ito sa labas ng float. Nahila rin ang mixer kaya nawalan ng sound. Natural, tumigil muli ang float ng Enteng Kabisote. Dahil kunektado sa mixer ang power ng sound system, hindi na rin gumana ang ilaw ng float kaya pagdating ng Manila City Hall ay hindi na makita ang cast ng Enteng Kabisote sa dilim.
Ganunpaman, walang reklamo ang cast ng movie, tinapos pa rin nila ang parada na dumaan pa ng Mall of Asia bago tuluyang nagtapos sa harap ng Aliw Theater sa may CCP Complex.
Sa totoo lang, napakahaba ng route ng parada. Sa halip na kumanan na ng CCP patungong Aliw ay kinailangan pang umikot patungong MOA na hindi naman ganoon kaimportante.
Habang binabagtas ng parada ang Lawton patungong Roxas Blvd., bumaba ng float ng Enteng si Aiza Seguerra dahil sa pananakit ng kanyang tiyan. Sumakay ito sa isang MMDA na naka-motorcycle at nagpahanap ng isang restroom at saka muli itong humabol sa parada. Pagdating naman ng Roxas Blvd. ay bumaba na si Bing Loyzaga.
Si Zsazsa Padilla naman ay hindi na umabot sa Eliptical Circle sa Quezon City na siyang starting point ng parada kaya nag-abang na lamang ito sa may Welcome Rotonda sa Quezon City pero nagka-bulilyaso rin ang float ng Zsa Zsa Zaturnnah na nawalan din umano ng baterya ang sasakyan.
Sa halip na matapos ang parada alas-sais ng gabi, natapos ang parada ng alas-9 ng gabi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended