Tsismis lang ba yung kina Oyo at Bing?
December 27, 2006 | 12:00am
Natatawa lang si Angel Locsin kapag tinatanong tungkol sa isyung nali-link ngayon ang nobyong si Oyo Boy Sotto kay Bing Loyzaga.
"Hindi totoo yan. Malapit lang si Bing sa mga Sotto at kung nagkakasama man sila ni Oyo ay purely friendship lang ito. May tiwala ako sa kanya at nadarama ko ang katapatan niya sa akin," anang aktres.
Ipinagdiwang ni Angel ang Pasko sa piling ng kanyang daddy at mga kapatid. Nagsalu-salo silang lahat kaya happy ang aktres dahil nagkaroon din sila ng family reunion. Magiging abala naman si Angel sa taping ng Asian Treasures at ang pang-Valentine offering nila ni Richard Gutierrez under GMA Films.
Dismayado ang mga tao na nanood ng MMFF Parade of Stars dahil bukod tanging sina Vic Sotto at Kristine Hermosa lang ang sakay ng karosang Enteng Kabisote 3. Karamihan sa ibang karosa ay walang sakay na malalaking artista. Marahil dun na lang sila sa ibang lugar sumakay. Marami pa naman sa kanila ang galing ng probinsya at pumunta ng Quezon Avenue para makauna sa mga artista.
Nakita naming tumatakbo si Sandara Park dahil naiwan siya ng karosa ng Super Noypi. Halos lahat ng float ay magaganda at colorful lalo na ang Mano Po 5. Matakot Ka Sa Karma, Enteng Kabisote, Tatlong Baraha at Ligalig.
Mabagal ang usad ng karosa dahil akala ng mga tao ay sa ibang daan nag-short-cut ang ibang float pero sobrang layo lang ng pagitan ng mga karosa.
Kumpleto ang cast ng Ligalig at naroon din si Angelina na walang tigil sa kakakaway. Huli ang karosa nina Angel Locsin at Richard Gutierrez na natagalan bago dumaan sa Quezon Ave.
Kung ang ibay nahihirapan sa long-distance love affair kaiba naman ito kay Richard Gutierrez dahil mas nakabubuti sa kanya.
Pareho kasi silang busy ng nobyang si Georgina na nag-aaral ngayon sa Sydney University at kumukuha ng Commerce major in Accounting kung saan second year college na ito.
Isang taon at walong buwan na silang magnobyo at malayo pa silang magpakasal dahil marami pa silang pangarap na gustong matupad.
Nitong Pasko ay buo ang pamilya ng gwapong aktor dahil nakasama nila ang mag-asawang Ruffa at Yilmaz Bektas.
Sa kabilang banda, ngayong magtatapos na ang Captain Barbell ay naiibang fantaserye ang gagawin ni Richard titled Lupin at makakatambal niya ang mga sexy at magagandang leading ladies.
"Hindi totoo yan. Malapit lang si Bing sa mga Sotto at kung nagkakasama man sila ni Oyo ay purely friendship lang ito. May tiwala ako sa kanya at nadarama ko ang katapatan niya sa akin," anang aktres.
Ipinagdiwang ni Angel ang Pasko sa piling ng kanyang daddy at mga kapatid. Nagsalu-salo silang lahat kaya happy ang aktres dahil nagkaroon din sila ng family reunion. Magiging abala naman si Angel sa taping ng Asian Treasures at ang pang-Valentine offering nila ni Richard Gutierrez under GMA Films.
Nakita naming tumatakbo si Sandara Park dahil naiwan siya ng karosa ng Super Noypi. Halos lahat ng float ay magaganda at colorful lalo na ang Mano Po 5. Matakot Ka Sa Karma, Enteng Kabisote, Tatlong Baraha at Ligalig.
Mabagal ang usad ng karosa dahil akala ng mga tao ay sa ibang daan nag-short-cut ang ibang float pero sobrang layo lang ng pagitan ng mga karosa.
Kumpleto ang cast ng Ligalig at naroon din si Angelina na walang tigil sa kakakaway. Huli ang karosa nina Angel Locsin at Richard Gutierrez na natagalan bago dumaan sa Quezon Ave.
Pareho kasi silang busy ng nobyang si Georgina na nag-aaral ngayon sa Sydney University at kumukuha ng Commerce major in Accounting kung saan second year college na ito.
Isang taon at walong buwan na silang magnobyo at malayo pa silang magpakasal dahil marami pa silang pangarap na gustong matupad.
Nitong Pasko ay buo ang pamilya ng gwapong aktor dahil nakasama nila ang mag-asawang Ruffa at Yilmaz Bektas.
Sa kabilang banda, ngayong magtatapos na ang Captain Barbell ay naiibang fantaserye ang gagawin ni Richard titled Lupin at makakatambal niya ang mga sexy at magagandang leading ladies.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended