^

PSN Showbiz

Bing, mahal pa rin si Janno!

-
Pinapalakpakan ngayon si Bing Loyzaga hindi lang sa magaling na pag-arte nito sa pelikulang Enteng Kabisote kundi sa magandang outlook nito sa kanyang buhay ngayon sa kabila ng paghihiwalay nila ng kanyang komedyanteng asawa.

Itinuturing ni Bing na pinakamasaya at pinakamagandang Pasko ang taong ito.

"It’s my happiest life ever. I’m able to make peace with others and with my own life. I’ve learned to accept things na ganito talaga ang buhay. I stop pretending. I stop denying," sabi niya.

Marami ang nagtatanong kung mahal pa rin niya si Janno sa kabila ng lahat.

"I spent half of my life with him. Actually 16 yrs. Pero ibang level na ngayon. Friends na lang kami. At hindi ko matiis na wala siyang kaibigan kaya I can’t turn my back on him," sabi ni Bing na katunayan na niregaluhan niya si Janno ng i-Pod ngayong Christmas.

Pero kung dati ay "babe" ang tawagan nila, ngayon "pop" na lang ang tawag niya dito dahil kahit anupaman ang nangyari ay ama pa rin ito ng dalawa nilang anak na sina Allyssa (17 yrs Old) at Gabrielle (9 yrs old).

At kung meron mang itinuturo si Bing sa kanyang anak, lalo na kay Allyssa, na may bf na rin ngayon, ito’y ang "Dinidikdik ko sa kukote niyang ‘Hwag kang tatanga-tanga ha. Tama na ang isang tanga sa bahay natin’, dahil 18 yrs old ako nung mabuntis. But I support her sa lahat ng ginagawa niya. I know naman that she has learned a lot," sabi ni Bing.

Maraming nagtataka kung bakit sa iisang compound lang ang tinitirhan nila Bing at Janno. At kung bakit hindi na lang siya pumunta ng Australia?

"Nag-try din naman akong lumayo. Kaso iniisip ko yung mga anak ko. Nandito sila nag-aaral. Nandito ang buhay nila at mga friends. They don’t have to carry the burden. Huwag naman, kami na lang. Ayokong maguluhan pa sila and I don’t want to add pressure on them. They don’t deserve that. Puwede rin akong pumunta ng Australia, pero hindi ako yung tipong tumatakbo sa problema," paliwanag niya.

Ngayon, madalas lumabas si Bing kasama ang kanyang barkadang si Mylene Dizon. Tumigil na muna siyang mag-gym dahil mas mabilis daw siyang  mangayayat ngayon sa kasa-shopping.

"It’s about time to come out. And it’s flattering that people are welcoming me. People do listen to me. And you can see their concern," sabi ni Bing.– LANIE B. MATE

ALLYSSA

BING

BING LOYZAGA

BUT I

ENTENG KABISOTE

JANNO

MYLENE DIZON

NANDITO

NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with