Yeng, malaking tulong sa promo ng Kasal...
December 26, 2006 | 12:00am
Nakalabas na pala ng hospital ang mommy ni Mark Herras dahil nung binati niya kami last Sunday (December 24) ay nabanggit niyang pauwi na sila ng Laguna at doon sila magsasama-sama ng Noche Buena.
Mukhang masaya na ang binata base sa text messages niya dahil okey na ang mommy niya.
Samantala, maraming pumuri sa float ng Super Noypi dahil may may laser pa itong umiikot-ikot at base rin sa first day of showing ng mga pelikulang kasama sa MMFF 2006 ay nasa number 4 slot ito.
Going back to Mark ay nagpahinga lang siya the whole day kahapon, December 25, dahil ito lang daw ang bakanteng araw niya dahil back to work na naman siya today, Martes (December 26).
And speaking of Metro Manila Film Festival 2006 ay nangunguna raw sa takilya kahapon ng umaga hanggang hapon ang Enteng Kabisote 3 ni Vic Sotto, number 2 ang Kasal Kasali, Kasalo nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo, number 3 naman ang Shake, Rattle and Roll 8, number 4 ang Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh nina Zsa Zsa Padilla at Pops Fernandez at Super Noypi at number 5 ang Mano Po 5, Gua Ai Di, at number 6 ang Matakot Ka Sa Karma, number 7 ang Ligalig at kulelat ang Tatlong Baraha.
Agaw eksena si 1st Star Dreamer Yeng Constantino sa MMFF parade dahil kasama siya sa float ng Kasal, Kasali, Kasalo na siyang kumanta ng "Hawak Kamay" na ost ng pelikula na tuwang-tuwa naman daw sina Juday at Ryan dahil malaki rin ang nagawa ng batang musikero sa promo ng movie nila.
At namumukod tanging ang KKK float lang ang maliwanag sa buong parada dahil in-anticipate na raw ng bossing ng Star Cinema na aabutin sila ng gabi na siyang nagkatotoo.
"Kakaloka, mula alas dos ng hapon hanggang alas nuwebe ng gabi ang parade, kaya bukod tanging kami lang ang maliwanag na float kasi yung iba, hindi ganun karaming ilaw," say sa amin ng taga-Star Cinema.
Nabanggit din sa amin na nangunguna rin ang KKK sa mga probinsiya at pangalawa naman si Enteng Kabisote 3. REGGEE BONOAN
Mukhang masaya na ang binata base sa text messages niya dahil okey na ang mommy niya.
Samantala, maraming pumuri sa float ng Super Noypi dahil may may laser pa itong umiikot-ikot at base rin sa first day of showing ng mga pelikulang kasama sa MMFF 2006 ay nasa number 4 slot ito.
Going back to Mark ay nagpahinga lang siya the whole day kahapon, December 25, dahil ito lang daw ang bakanteng araw niya dahil back to work na naman siya today, Martes (December 26).
Agaw eksena si 1st Star Dreamer Yeng Constantino sa MMFF parade dahil kasama siya sa float ng Kasal, Kasali, Kasalo na siyang kumanta ng "Hawak Kamay" na ost ng pelikula na tuwang-tuwa naman daw sina Juday at Ryan dahil malaki rin ang nagawa ng batang musikero sa promo ng movie nila.
At namumukod tanging ang KKK float lang ang maliwanag sa buong parada dahil in-anticipate na raw ng bossing ng Star Cinema na aabutin sila ng gabi na siyang nagkatotoo.
"Kakaloka, mula alas dos ng hapon hanggang alas nuwebe ng gabi ang parade, kaya bukod tanging kami lang ang maliwanag na float kasi yung iba, hindi ganun karaming ilaw," say sa amin ng taga-Star Cinema.
Nabanggit din sa amin na nangunguna rin ang KKK sa mga probinsiya at pangalawa naman si Enteng Kabisote 3. REGGEE BONOAN
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended