Simula ngayon ng festival
December 25, 2006 | 12:00am
Ngayong araw ang simula ng sampung araw na Metro Manila Film Festival na nilalakuhan ng siyam na official entries - Zsa Zsa Zaturnnah Ze Moveeh, Super Noypi, Shake Rattle & Roll 8 at Mano Po 5: Gua Ai Di na lahat nagmumula sa Regal Films, ang Kasal, Kasali, Kasalo ng Star Cinema, Enteng Kabisote 3: Okay Ka, Fairy Ko (The Legend Goes On and On) na joint-production ng OctoArts Films at M-Zet TV Productions, Ligalig ng CM Films at ang Tatlong Baraha ng Violett Films.
As early as now, marami ang humuhula na ang Enteng Kabisote 3 ni Vic Sotto pa rin ang mangunguna sa takilya tulad ng naunang dalawang sequel nito pero tiyak na lalaban ang Kasal, Kasali, Kasalo, Mano Po 5, at Shake, Rattle & Roll 8 na siyang maglalaban-laban sa Top 4 slots habang ang Matakot Ka Sa Karma, Zsa Zsa Zaturnnah, Ligalig at Tatlong Baraha naman ang inaasahang papasok sa No. 5 hanggang No. 9 slot.
May tigda-dalawang entries sina Direk Joel Lamangan at Direk Joey Javier Reyes. Si Direk Joel ang nagdirek ng Mano Po 5 at Zsa Zsa Zaturnnah habang si Direk Joey naman ang namahala ng Matakot Ka Sa Karma at Kasal, Kasali, Kasalo.
But in terms of direction, hindi rin magpapahuli si Cesar Montano na malaki na talaga ang in-improve bilang isang director. Napakaganda ng pagkakagawa niya ng Ligalig, isang suspense-thriller movie na siya rin mismo ang pangunahing bida at producer.
Samantala, napanood namin ang dalawang naunang sequel ng Enteng Kabisote (1 & 2) at masasabi namin na pinakamaganda at pinakamalaki ang Enteng Kabisote 3 in terms of entertainment and productions values. Maganda ang istorya at talagang ginastusan ang props, costumes, sets at higit sa lahat, ang special effects.
Nang lumabas sa screen si Pia Guanio na may special participation sa pelikula, nagsigawan ang mga tao kaya malamang na ituloy ni Vic ang plano niyang paggawa ng pelikula na pagtatambalan nila ng kanyang lady-love sa susunod na taon.
Isang Mapayapa at Maligayang Pasko sa lahat!
E-mail: [email protected]

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended