^

PSN Showbiz

Chin-Chin, dapat parangalan

THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Alam ko kung gaano kahirap ang mag-release ng pelikula. Kaya nakisimpatya ako kay Mother Lily nang mabitin ang premiere night ng Zsazsa Zaturnnah.

Dugo at pawis ang puhunan ng pelikula kaya siguradong katakut-takot na tensiyon ang inabot dito ni Mother Lily dahil late na ngang dumating ang print galing MTRCB.

Ganunpaman, salamat dahil matagumpay pa rin itong nairaos. Dumating ngang naka-gown si Rustom Padilla. Huwag natin itong pag-isipan ng masama. Ginawa lang ito ni Rustom para maka-attract ng mga manonood.

Ngayong araw na natin makikita kung sino ang hihirit sa takilya sa siyam na pelikulang kalahok ng filmfest. Hangad nating tangkilikin lahat ng manonood ang mga pelikulang kasali sa MMFF para lahat ay mag-enjoy at siyempre para kumita rin ang ating movie industry.

Naging matagumpay ang Parade of Stars na ang inyong lingkod ay isa sa mga host. Ang parada ay nagsimula sa QC at natapos sa Aliw Theater.
* * *
Nakausap ko si Vina Morales. At naikwento niya nga sa akin ang nangyaring engkwentro nila ni Borgy Manotoc.

Mas mabuti yung nagkausap sila mismo sa harap ng gf ni Borgy at sa harap ng bf ni Vina. Sa harap ng kani-kanilang kasintahan ay nilinaw ni Borgy na walang katotohanan ang sinabi niya sa interview na naka-one night stand niya si Vina.

Humingi rin si Borgy ng sorry sa bf ni Vina. Aba, hindi pahuhuli ang bf ni Vina na isang Amboy na bukod sa maskulado ay gwapo rin.

Pero walang dapat bagsakan ng sisi sa nangyaring ito kundi si DJ Mo.

Sana’y magsilbing babala ito sa ibang artista. Sana naman ay madala na silang mag-guest sa show nito kung saan nalalagay lang sila sa hindi magandang sitwasyon.
* * *
Kawawa naman si Chin Chin Gutierrez na nangangailangan ngayon ng tulong matapos tupukin ng apoy ang kanilang bahay. Pero nakakabilib dahil sinikap niyang mailigtas ang kanyang ina sa sunog.

Walang ibang naisalba si Chin Chin na gamit kundi ang kanyang mahal na ina.

Kung ako pa rin ang pangulo ng Actor’s Guild ay papupurihan ko ang magiting na ginawa ni Chin Chin. Pero kahit walang okasyon ay bibigyan ko pa rin ng parangal si Chin Chin sa Walang Tulugan.. show dahil sa pambihira niyang ginawa.

Sa mga nais pong magpahatid ng tulong kay Chin Chin, maari po n’yong idaan sa akin at makakasiguro kayong makakarating ito sa kanya.
* * *
Merry Christmas po sa ating lahat!

ALIW THEATER

BORGY

BORGY MANOTOC

CHIN

CHIN CHIN

CHIN CHIN GUTIERREZ

MERRY CHRISTMAS

MOTHER LILY

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with