^

PSN Showbiz

Sandara Park, ang buhay ng Super Noypi!

-
Ang dalawang sobrang blessed pa ngayong 2006 ay sina Piolo Pascual at Claudine Barretto na sa umpisa ng taong ito ay kaliwa’t kanan ang mga intriga sa kanila, pribado at showbiz career, pero ang maganda, bago magtapos din ang year of the Rooster ay nabawi na lahat ang hindi magandang nangyari sa dalawang money maker ng ABS-CBN, Star Magic.

Next year na ang airing ng bago nilang soap drama na kinunan pa sa Sydney, Australia at bilang patikim ng kanilang 2nd teamup after ng Milan ay featured sila ngayong Linggo sa Your Song episode ng God Bless Ye Merry Gentlemen.

Excited ang program unit manager ng YS na si Nini Matillac dahil bagay na bagay daw ang dalawang bida at maski na may asawa na si Claudine ay nakitaan pa rin ng kilig factor sa kanila ni Piolo, "Siguro mas lalo na kapag soap drama na kasi may aabangan ang viewers."

Kung tutuusin ay tila mas inaabangan ng viewers ang Your Song kumpara sa Love Spell dahil kitang-kita sa ratings game na mas mataas ang YS kesa sa LS.

"E, kasi series ang Love Spell kumpara sa Your Song na one time lang, so ang tendency, mas tutok ang tao sa YS," esplika pa ng PUM ng parehong programa.

Ang maganda raw, maski na olat sila sa ratings game, winner pa rin sila sa commercial loads.
* * *
Bluntly naming sasabihing si Sandara Park ang nagbigay buhay sa pelikulang Super Noypi maliban sa special effects na talagang maganda at binusisi ni direk Quark Henares.

Sa makailang beses naming panonood ng trailer ng Super Noypi ng Regal Entertainment ay hindi gaanong napansin si Sandara dahil mas focus kina Jennylyn Mercado, Mark Herras, John Prats, Katrina Halili at Polo Ravales ang movie.

Pero sa kabuuan ng movie, aliw ang lahat sa girlfriend ni Joseph Bitangcol huh, at dapat maging proud ang binatilyo sa kanya.

Hinulaan naming adlib ang script ng Koreanang teenstar dahil out of the blue ang mga bato niyang dialogue at inamin naman niya ito, sila raw ni Polo ay puro adlib.

Nagbunga ang pagiging krung-krung ni Sandara dahil kering-keri pala niya ito at bigyan lang talaga siya ng magandang project, tiyak na siya ang susunod sa yapak ni Pokwang, pramis!

In fairness, maganda ang Super Noypi, kaya lang medyo malalim ang istorya at hindi ito masusundan ng mga bagets, unlike Enteng Kabisote 3 ni Vic Sotto na napakababaw lang at sa umpisa palang ng pelikula ay aliw na ang mga bata lalo na sa dalawang baklang ahas at baklang monster na kamukha ni Shrek.

Lalaban tiyak ang Super Noypi sa teknikal sa 2006 MMFF awards night dahil maganda talaga at foreign ang dating.

"Yun nga lang, mukhang hindi nag-concentrate si direk Quark sa acting ng mga bida dahil wala silang ipinakita rito, buti pa si Jao Mapa na iilang eksena lang, nakitaan pa ng bigat at ang pinaka-worst para sa amin ay si Monsour del Rosario na hanggang ngayon ay may regional accent pa rin. — Reggee Bonoan

CLAUDINE BARRETTO

DAHIL

ENTENG KABISOTE

GOD BLESS YE MERRY GENTLEMEN

JAO MAPA

JENNYLYN MERCADO

LOVE SPELL

SUPER NOYPI

YOUR SONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with