^

PSN Showbiz

Mga dahilan kung bakit magiging topgrosser muli ang ‘Enteng Kabisote’

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Tumambad sa amin ang maraming magagandang dahilan kung bakit magiging top grosser muli ang Enteng Kabisote 3, Okay Ka Fairy Ko, The Legend Lives On and On, noong manood kami sa premiere night nito last Thursday evening.

Sa SM Megamall Cinema 10 pa lang nagbadya na kung paano dudumugin ng mga tao ang Vic Sotto starrer sa simula ng Metro Manila Film Festival sa Pasko. Umapaw sa tao ang sinehan, pati sa mga aisles, sa ibaba at itaas punung-puno. Hanggang sa mga daanan palabas, nagsiksikan ang mga taong nakatayo!

Isa sa mga puntos ng Enteng Kabisote ay ang maganda’t pampamilyang kwento nito–na ang hatid sa mga manonood, bata man o matanda, ay mga positibong kaugaliang Pinoy. Marami ngang ganito sa pelikula– kahit sabihin pang isang komedya’t pantasya–na kapupulutan ng magagandang aral.

Ang tambalan namang Vic Sotto at Kristine Hermosa, lalong napapamahal sa moviegoers, higit pa kapag napanood ang bago nilang pagsasama. Magaan ngang dalhin si Kristine, palibhasa mahusay na artista, bukod pa sa ubod ng ganda.

Marami pang mga kwelang characters na nadagdag sa bagong Okay Ka Fairy Ko na nagbigay ng ibayong saya at kulay sa ikatlong pakikipagsapalaran nina Enteng at kanyang pamilya.

Kahit nga hindi kagandahan si Allan K, na naging bagong mukha ni Inang Magenta (G Toengi) naging higit namang riot ang mga tagpo na ang karakas na ni Allan ang suot ng reyna ng Enkantasia. Daig pa kasi ang sinumpa ng pitong mangkukulam si Inang Magenta nang palitan ng mukha ni Allan K. Sa face pa lang ng stand-up comic, hagalpakan na ng tawa ang mga nanonood.

Marami ngang mga bagong comic situations sa Enteng Kabisote 3, tulad ng pinangako nina Vic Sotto at Direktor Tony Reyes. Buti na lang ang lahat ng mga kasunod kong nakaupo sa isang row ay pawang mga kabataan, na all throughout the movie ay malutong na tila chicharon ang tawanan.

Pulido naman ang pagkagawa ng mga parteng pinakita ang dalawang Vic Sotto characters, pati na ang kanilang fight scenes, hanggang bumalik sa pagkabutiki ang alien; hindi ang tunay na Enteng, ha!

Pati ang mga tagpong sumali ang mga guest stars tulad nina Joey de Leon, Pia Guanio at Tito Sotto, kwelang-kwela.

Si Pia ang gumanap sa papel na Darling, dating kakilala ni Enteng, na pinagselosan ni Faye (Kristine). Si Joey naman ang may alagang baklitang giant monster na nagbalik kina Vic at Jose sa lupa upang sagupain na nila ang alien na nagkunwaring Enteng sa kanilang tahanan ni Faye.

Pati ang mga trick shots, special effects, tiyak na papalakpakan ng masang Pinoy at matutuwa silang lahat dahil nakakagawa na tayo ng ganitong klaseng pelikula tulad ng Enteng Kabisote 3.

ALLAN K

DIREKTOR TONY REYES

ENTENG

ENTENG KABISOTE

G TOENGI

INANG MAGENTA

MARAMI

OKAY KA FAIRY KO

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with