^

PSN Showbiz

Dahil sa intriga, Gretchen ayaw na muling mag-artista!

-
Sayang, dahil lamang sa mga intriga, tinanggihan na ni Gretchen Barretto nang tuluyan ang isang pelikulang gagawin sana niya sa susunod na buwan. Ang katwiran ni Gretchen, nagbabalik siya sa pag-arte para pagbigyan ang kanyang hilig na umarte, at para masiyahan siya. Hindi naman siya ‘yong kailangang kumayod para kumita ng pera. Basta ang gusto niya, may mga taong masiyahan sa kanyang ipinakikitang acting.

Kaya kami nanghihinayang ay dahil sa katotohanang si Gretchen ay isa sa ating mga box- office stars. Noong kanyang panahon, wala siyang pelikulang nag-flop.

Lahat ng pelikulang ginawa niya kumita sa takilya talaga, kahit na ang mga iyon ay napirata rin naman noong araw.

Ang ganyang klaseng mga artista ang kailangan natin sa industriya ng pelikula sa ngayon, iyong mga boxoffice stars talaga. Sabihin mo mang mga simpleng pelikula lamang ang kanyang nagagawa, basta naging box office hits naman ang lahat ng iyon, at kung ganoon sino nga ba ang makaka-angal pa kay Gretchen Barretto?

Kung magtitiyaga tayo sa mga artistang wala namang boxoffice appeal, baka patuloy na mangamote ang pelikulang Pilipino.

Kaya nga sinasabi namin, mas kailangan natin ngayon sa industriya ang mga artistang kagaya ni Gretchen, iyong mga pam-boxoffice.

Palagay namin, maganda nga iyong kumbinsihin natin ang mga dating boxoffice stars na gumawang muli ng pelikula. Baka iyan nga ang solusyon sa krisis na dinadaanan ng industriya sa ngayon.
* * *
Napanood namin ang pelikulang Ligalig. Isa iyong magandang thriller na sa totoo lang, habang pinanonood namin ay hindi halos kami mapakali sa aming kinauupuan. Talagang maraming mga eksenang nakakatakot at nakakagulat talaga.

Pero ang mas dapat nga sigurong bigyan ng pansin ay ang ipinakitang acting ni Sunshine Cruz sa nasabing pelikula. Nag-mature na siya bilang isang aktres.

Maski na nga ang acting na kanyang ipinakita sa pelikulang iyon ay masasabing isa nga siguro siya sa pinaka-mahuhusay na aktres natin sa ngayon.

Kung sa bagay matagal na namang napatunayan ni Sunshine ang kanyang pagiging isang aktres, pero siguro nga ang role niya sa Ligalig ay maitutuing niyang maganda talaga para sa pelikula.
* * *
Talagang malagkit ang tingin ng isang bading na tv host sa isang guwapong male model, nang magkita sila minsan sa isang party. Pero dahil doon ay nailang ang male model at hindi pa man nagtatagal ay umalis na iyon. Sinabi pa noon sa mga kaibigan niyang naiinis siya dahil sa katitingin sa kanya ng staff ng show ng bading na tv host.

Iyon namang tv host, talagang sinasadya na basta may mga tv specials ay sinisikap niyang maisama sa projects niya ang guwapong male model, kasi nabalitaan naman daw niyang minsan pumatol na iyon sa gay, kaya naman umaasa rin siya. Ed De Leon

vuukle comment

ED DE LEON

GRETCHEN

GRETCHEN BARRETTO

KAYA

LIGALIG

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with