Golden Gays sa Club Mwah!
December 23, 2006 | 12:00am
Panonoorin ko lang sana ang holiday presentation ng Follies de Mwah, resident performers ng mala-Las Vegas/ Studio 54 na club theater bar na matatagpuan sa Mandaluyong City pero isang party ang dinatnan ko sa nasabing lugar na hindi naman nagkait na isama ako sa kanilang pagdiriwang.
Ito ang Christmas party ng Bench who was raising funds for the victims of tyhoon Reming. Kasama rin nila sa selebrasyon ang ilang mga myembro ng Golden Gays na sa isang resolusyon sa Lungsod ng Pasay ni Konsehal Justo Justo ay kinikilala sa nasabing lugar at binigyan ng kaparehong karapatan katulad ng mga non-gays.
Enjoy ang mga Golden Gays sa kanilang panonood ng napakagandang palabas na handog ng Club Mwah na sa kabila ng hirap ng buhay ngayon ay fully-booked pa rin sa mga private at corporate parties, katulad ng naging selebrasyon ng mga taga-Bench.
Kahit paulit-ulit ko yatang panoorin ang palabas ng Club Mah ay hindi ako magsasawa dahil halos perfect na ng mga performers ang kanilang mga numbers at bukod sa mga bagong production numbers, bago rin ang mga costumes na lahat ay dumaraan sa masusing pagsubaybay ng mga may-ari na sina Pocholo Mallilin, at Cris Nicolas.
Nasa GMA na pala ang Takeshis Castle na napapanood dati sa QTV 11. Mapapanood na ito sa GMA, ll:30NU tuwing Sabado at 11:15 NU tuwing Linggo simula Dis. 23. Pinangungunahan nina Joey de Leon (Shintaro Gorusawa) at Ryan Yllana (Takehome) sa direksyon ni Soxy Topacio. Veronica R. Samio
Ito ang Christmas party ng Bench who was raising funds for the victims of tyhoon Reming. Kasama rin nila sa selebrasyon ang ilang mga myembro ng Golden Gays na sa isang resolusyon sa Lungsod ng Pasay ni Konsehal Justo Justo ay kinikilala sa nasabing lugar at binigyan ng kaparehong karapatan katulad ng mga non-gays.
Enjoy ang mga Golden Gays sa kanilang panonood ng napakagandang palabas na handog ng Club Mwah na sa kabila ng hirap ng buhay ngayon ay fully-booked pa rin sa mga private at corporate parties, katulad ng naging selebrasyon ng mga taga-Bench.
Kahit paulit-ulit ko yatang panoorin ang palabas ng Club Mah ay hindi ako magsasawa dahil halos perfect na ng mga performers ang kanilang mga numbers at bukod sa mga bagong production numbers, bago rin ang mga costumes na lahat ay dumaraan sa masusing pagsubaybay ng mga may-ari na sina Pocholo Mallilin, at Cris Nicolas.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended