Jobelle Salvador, may 3 bahay sa Vegas!
December 20, 2006 | 12:00am
TOKYO, JAPAN -Winter na rito sa Japan kaya super lamig. Ganunpaman, nakakatuwa pa ring tingnan ang mga Japanese at ibang nationals including Filipinos dahil lahat sila ay may kani-kanyang fashion statement pagdating sa ganitong panahon. Ang mga kababayan natin dito ay hindi rin nagpapahuli. Pero may mga kababayan pa rin tayo na off kung manamit kahit sa panahon ng taglamig. May mga nakikita kami rito na naka-mini skirt pa rin with matching boots na tila off-sync sa fashion.
Tulad ng aming obserbasyon, mahinang-mahina na talaga rito sa Japan ang pagdating ng mga Filipino entertainers kaya maraming clubs dito ang nagsara na at nag-iba na ang negosyo. Siyempre pa, apektado ang ating mga promotions business dito sa Pilipinas at sa Japan ganundin ang mga kababayan natin na ang inaasahang trabaho ay bilang isang entertainer sa Japan. Tiyak na apektado rin ang remittance sa Pilipinas ng mga Pinoy na nagtatrabaho sa Japan na pumapangatlo noong boom pa ang entertainment business sa Japan.
Sa mahigit 300,000 thousands na Filipino sa Japan, karamihan sa mga ito ay mga permanent residents na habang ang iba ay OFWs. Karamihan sa mga permanent residents ay may asawang Hapon at iba naman sa kanila ay may mga trabaho.
Nang humina ang talent recruitment sa Japan, isang Japanese businessman ang nakaisip ng isang paraan na magbi-benefit pa rin ang mga Filipino sa pamamagitan ng pagbubukas ng caregiving school sa Japan, ang Tokyo Caregiver Academy o TCA na may tatlong branches na ngayon, ang TCA -Tokyo (na siyang pioneer) at may dalawang bagong bukas na branches ang TCA sa Yokohama at Omiya. Sa mahigit isang taon na operation ng TCA-Tokyo, mahigit 300 na ang nakapagtapos at kalahati sa kanila ay nagtatrabaho na bilang caregivers sa Japan.
Kahit may kasunduan ang Pilipinas at ang Japan sa pamamagitan ng dating Japan Prime Minister Koizumi sa pagbubukas ng mga nurses at caregivers sa Japan na magmumula sa Pilipinas, hindi ito ganun kadali dahil marami pang proseso ang kailangang daanan. Bukod sa visa, kinakailangan pang mag-aral ang mga nurses at caregivers mula sa Pilipinas ng Japanese language at pumasa sa exam sa Japan bago sila tuluyang makapasok. Pero sa mga caregivers na nag-aral sa Japan at may mga permanent visas na, hindi na sila mahihirapan.
Dahil sa aming very tight schedule, hindi na namin nakuhang makipagkita pa sa actress na si Jobelle Salvador na naka-base na sa Japan kasama ang kanyang dalawang anak - sina Mico (16) at Julina (5) pero nagka-usap sa telepono ganundin ang kaisa-isang Filipina na naging superstar noon sa Japan, si Marlene de la Peña.
Hiwalay na si Jobelle sa kanyang Japanese businessman-boyfriend (ama ng kanyang bunso na si Julina). Although may financial support naman mula sa ama ni Julina, kailangan pa rin ni Jobelle na maghanap-buhay dahil may dalawa o tatlo siyang bahay sa Las Vegas, Nevada.
Sa Japan ay nagagamit ni Jobelle ang kanyang tinapos na kursong Marketing sa U.P. For sometime, ay naging marketing consultant siya ng WINS na siyang may tangan sa Japan ng TFC (The Filipino Channel) at sa IPS na siya namang may-ari ng Access TV na siya namang maydala sa Japan ng GMA Pinoy TV, Mabuhay Channel, FOX at tatlong Filipino radio stations, ang DZBB, RMN at Dream FM. On the side ay kumakanta rin siya sa isang club sa Ginza.
Masipag si Jobelle sa Japan. She drives her own Mercedes Benz (na bigay sa kanya ng kanyang ex-boyfriend), magaling magsalita ng Japanese at kilala among the Filipino community. May mga pagkakataon din na kinukuha siya roong image model ng ilang produkto. Mahilig din siyang mag-organize ng mga events para sa mga Filipinos sa Japan.
Sinabi sa amin ni Jobelle na kapag may offer sa kanya rito sa Pilipinas ay puwede umano siyang magpabalik-balik ng Japan at Pilipinas.
<[email protected]>

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended