^

PSN Showbiz

Edu, binigyan ng award sa abroad

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Congratulations kay Optical Media Board Chairman Edu Manzano who received the first-ever Asia-Pacific Copyright Enforcer (ACE) presented by the Motion Picture Association of America (MPA) sa katatapos na CineAsia Film industry trade show na ginanap sa Beijing, China, first week of December.

At least na-prove ni Edu na ginagampanan niya ang kanyang trabaho as OMB Chairman na madalas batikusin ng marami. Dahil ibinibigay lang ang award na ACE sa outstanding enforcement officers na karamihan sa kanila ay tinataya ang buhay sa araw-araw para protektahan ang intellectual property rights.

Ayon kay Mr. Mike Ellis, MPA senior vice president and regional director for Asia Pacific, ipinakilala nila ang ACE category sa CineAsia awards ceremony ngayong taon para suportahan ang effort ng local enforcement as Asia-Pacific Region which have fostered creativity, aside from enabling economic and societal growth.

Sinabi pa ni Ellis na isa si Edu sa malalapit na allies ng MPA na nakikipaglaban against copyright theft kahit na nga pinupuna pa rin siya ng marami.

"The MPA salutes the dedication and hard work of Edu and his team, and we look forward to continued progress in the fight against the damage caused by piracy not only to MPA member-companies, but also to the Philippines’ domestic creative industries, crime levels, tax revenues and international reputation," sabi ni Mr. Ellis habang ibinibigay ang ACE award last December 7.

At least hindi man pinupuri ng ibang kasamahan sa industry, na-appreciate naman siya ng mga international organizations/officials particular na ang ginagawa niyang pagri-raid sa mga lugar na maraming pirated audio and video products.

Milyun-milyon na ang inaabot ng mga nahuhuli ni Edu na minsan ay siya pa ang lumalabas na masama.

Nang tanggapin ni Edu ang award, he stressed the importance ng pagtutulungan ng gobyerno at motion picture industry para lalong mapalakas ang kampanya ng pirata lalo na ngayong darating na Metro Manila Film Festival. "I think most of you understand the cost of movie piracy, not only the billionaire actors, directors and producers, kundi maging ang mga stuntmen and women, the set workers, the people who work in distribution and exhibition and many millions of others worldwide," say ni Edu sa press statement.

An estimated 78% ng movie market ang nawawala sa piracy sa bansa na kung ita-translate ay aabot sa 173 million.

Anyway, nang simulan ni Edu ang campaign against piracy, nawala na ang Pilipinas sa Priority Watch List ng United States Patented and Trade Office na matagal-matagal ding napasama sa listahan.

Malaking bagay ‘yun sa bansa natin.
* * *
Katawa ang kuwento ng isang showbiz insider tungkol sa isang produ. Natawa raw siya dahil hindi masyadong makangiti ang produ. Saka lang niya na-realize na bagong inject ito ng Botox kaya hindi makatawa ng normal.

Kung sabagay, kung can afford ka namang magpaganda, why not. Magkakaroon ka naman ng confidence at gaganda, walang rason para magmukmok at magtiis sa nakakainis na hitsura.
* * *
Ilang tulog na lang, Metro Manila Film Festival na.

Marami nang excited na manood ng siyam na pelikulang kasali sa Metro Manila Film Festival.

Walo sa siyam na pelikulang kasali ay naka-schedule for review ng Cinema Evaluation Board (CEB) this coming week — Zsa Zsa Zaturnnah, Kasal, Kasali Kasalo, Enteng Kabisote, Super Noypi, Shake, Rattle and Roll, Matakot Ka Sa Karma, Mano Po 5 and Ligalig.

Ang Tatlong Baraha ng Viollett Films lang ang hindi nagpa-schedule for review.

Sayang din kasi ang tax rebate na makukuha in case na ma-rate sila ng CEB although hindi lahat ng kikitain ay mapupunta naman sa produ.

ANG TATLONG BARAHA

ASIA PACIFIC

ASIA-PACIFIC COPYRIGHT ENFORCER

ASIA-PACIFIC REGION

CINEMA EVALUATION BOARD

EDU

ENTENG KABISOTE

KASALI KASALO

METRO MANILA FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with