Sandara, di pa nabibinyagan!
December 18, 2006 | 12:00am
Inamin ni Sandara Park na hindi nila ipinagdiriwang ang Kapaskuhan pero nagpa-party naman sila. Wala ring Bagong Taon sa kanilang mga Koreano.
Sinabi rin nito na wala siyang relihiyon at hindi pa siya binyagan kaya di marunong magdasal.
"Tinutulungan lang akong mag-pray ni Joseph (Bitangcol, boyfriend niya). Kahit ang mga magulang ko ay di rin parehong binyagan. Kahit may relihiyon sa amin (Korea) na Katoliko at Buddhism ay di pa rin kami sumanib," kuwento ni Sandara.
Sa kabilang banda, wala pa siyanga naiisip na regalo sa kanyang nobyo ngayong Kapaskuhan. Hindi rin niya tiyak kung manonood siya ng SRR 8 dahil may kissing scene sina Roxanne (Guinoo) at Joseph kahit sinasabing daya lang ang halikan.
Excited nang sumama sa Parade of Stars si Sandara at siyempre, naka-costume sila ng SuperNoypi. Malakas ang laban nito sa takilya bilang strong contender ng Enteng Kabisote 3 dahil pambata din at pang-Hollywood ang dating ng movie dahil sa mga visual effects na ginamit lalo na sa eksenang time machine.
Ang ganda naman ng pamaskong matatanggap ni Keempee de Leon mula sa kanyang daddy.
"Buong pamilya namin ay magbabakasyon at magpapalipas ng Kapaskuhan sa Europe. Magiging abala muna ako sa promo ng Shake, Rattle and Roll 8 bago kami umalis. First time akong pupunta sa Europe kaya ngayon pa lang ay excited na ako," sey ng aktor.
May offer pala ang magandang si Glaiza de Castro para maging cover ng FHM Magazine. Pero kahit malaki ang maitutulong nito sa kanyang career ay di pa rin siya pumayag. Katwiran nito ay di siya handa sa sexy pictorial. Maganda ang katawan ng young actress at maamo pa ang mukha nito kaya puwedeng-puwede sana.
Kasama siya sa pelikulang ZsaZsa Zaturnnah bilang isa sa Amazona. Ilulunsad na rin ang kanyang debut album under Dyna Records ngayong January. Siya rin ang gaganap na kapatid ni Robin Padilla sa Asian Treasure ng GMA 7.
"Sobra-sobra ang biyayang natatanggap ko kay Lord. Lalo na this year. Kaya naman mahal ko ang aking trabaho at ginagalingan ko pa ang pag-arte," sey pa nito.
Sinabi rin nito na wala siyang relihiyon at hindi pa siya binyagan kaya di marunong magdasal.
"Tinutulungan lang akong mag-pray ni Joseph (Bitangcol, boyfriend niya). Kahit ang mga magulang ko ay di rin parehong binyagan. Kahit may relihiyon sa amin (Korea) na Katoliko at Buddhism ay di pa rin kami sumanib," kuwento ni Sandara.
Sa kabilang banda, wala pa siyanga naiisip na regalo sa kanyang nobyo ngayong Kapaskuhan. Hindi rin niya tiyak kung manonood siya ng SRR 8 dahil may kissing scene sina Roxanne (Guinoo) at Joseph kahit sinasabing daya lang ang halikan.
Excited nang sumama sa Parade of Stars si Sandara at siyempre, naka-costume sila ng SuperNoypi. Malakas ang laban nito sa takilya bilang strong contender ng Enteng Kabisote 3 dahil pambata din at pang-Hollywood ang dating ng movie dahil sa mga visual effects na ginamit lalo na sa eksenang time machine.
"Buong pamilya namin ay magbabakasyon at magpapalipas ng Kapaskuhan sa Europe. Magiging abala muna ako sa promo ng Shake, Rattle and Roll 8 bago kami umalis. First time akong pupunta sa Europe kaya ngayon pa lang ay excited na ako," sey ng aktor.
Kasama siya sa pelikulang ZsaZsa Zaturnnah bilang isa sa Amazona. Ilulunsad na rin ang kanyang debut album under Dyna Records ngayong January. Siya rin ang gaganap na kapatid ni Robin Padilla sa Asian Treasure ng GMA 7.
"Sobra-sobra ang biyayang natatanggap ko kay Lord. Lalo na this year. Kaya naman mahal ko ang aking trabaho at ginagalingan ko pa ang pag-arte," sey pa nito.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended