^

PSN Showbiz

Manilyn, Lotlot, may gap?

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Sa presscon ng Shake, Rattle & Roll 8 nilinaw ni Manilyn Reynes ang gap na namamagitan daw sa kanila ni Lotlot de Leon.

"Hindi naman po kami close kahit noong nasa That’s Entertainment pa pero, nagbabatian kami. Yung mga dinadala niyang paninda sa set ay binibili ko," aniya.

Sa kabilang banda, ang laki nang ipinayat ni Mane dahil nagwo-workout siya, nagba-boxing at higit sa lahat, nagda-diet.

Sa SRR 8 ay gagampanan nito ang papel ni Jean na campus sweetheart ni Cesar na ginampanan ni Keempee de Leon.
Mau, Di Na Magta-Tricycle
Si Mau Marcelo na taga-Lucena City ang nanalong 1st Philippine Idol.

Bukod sa P1M cash, may recording contract pa ito sa Sony-BMG, non-exclusive contract sa ABC 5 at contract din sa Freemantle Media (owner ng PI).

Plano nitong bumili ng sasakyan para hindi na siya nagta-tricycle.

Baka sa Abril na magsisimula ng audition para sa Philippine Idol (Season 2).
Richard, May Puso Para Sa Mahihirap
Katulad ni Ruffa Gutierrez na may Roof-A-Child Foundation, magtatatag din ng sariling foundation si Richard. Inamin nito sa presscon ng Mano Po 5 na naaawa siya sa mga batang di nabiyayaan ng magandang edukasyon. Dahil dito, tutulungan niya ang mahihirap na mga bata para makapag-aral kung saan bibigyan niya ang mga ito ng scholarship.

"Yung mga biyayang natatanggap ko sa buhay ay gusto kong ibahagi sa mga less fortunate lalo na sa mga batang mahihirap. Naniniwala kasi ako sa kasabihang ang kabataan ang pag-asa ng bayan," aniya.

vuukle comment

DI NA MAGTA-TRICYCLE

FREEMANTLE MEDIA

LUCENA CITY

MANILYN REYNES

MANO PO

MAU MARCELO

MAY PUSO PARA SA MAHIHIRAP

PHILIPPINE IDOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with