^

PSN Showbiz

Borgy, pati si TJ tinatabla!

-
Siguro sa lahat ng mga na-interview ni Mo Twister sa kanyang radio program, ang lumikha ng pinakamalaking ingay ay si Borgy Manotoc. Masyadong maraming nasagasaan si Borgy sa kanyang pinagsasabi kay DJ Mo, at pinakamatindi ay ang sinabi niyang nagkaroon sila ng one night stand ni Vina Morales.

Hindi rin nakapagpigil si Cesar Montano na tinawag niyang worst politician. Matindi rin ang sinabi niyang kung mayroon siyang ayaw makasama sa trabaho, iyon ay ang kanyang kapatid na si TJ Manotoc.

Iyong comment ni Borgy tungkol kay Vina ay masasabi nating uncalled for, kasi maaari namang hindi na lang niya sinagot ang tanong na yon. Kung ipagpipilitan naman niyang totoo ang kanyang sinabi, parang napaka-ungentlemanly naman noong mga binitiwan niyang salita, pati na ang tungkol sa kanyang kasalukuyang girlfriend at sa ex din niya.

Tama rin naman si Cesar Montano sa pagsasabing baka naman nagkakamali si Borgy dahil kung mayroon mang worst politician, bakit hindi niya nabanggit ang kanyang pamilya? Hindi nga ba’t patung-patong na kaso ang inabot ng mga miyembro ng kanyang pamilya matapos na mapatalsik bilang presidente ang lolo niya?

Aywan din kung bakit naman si Cesar ang napagsabihan niya ng ganoon, samantalang hindi pa naman pumapasok sa pulitika yong tao. Siguro dahil lamang yon sa mga usapang gustong patakbuhin si Cesar ng ilang pulitiko sa eleksyon sa 2007 na siguradong mangyayari na ngayon matapos na madiskaril naman ang Con Ass. — Ed De Leon

vuukle comment

BORGY

BORGY MANOTOC

CESAR MONTANO

CON ASS

ED DE LEON

KANYANG

MO TWISTER

NAMAN

SIGURO

VINA MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with